Chapter 8

303 8 0
                                    

'You still loved him, don't you?'

'Yes, gusto ko pa rin siya.' Nanghihina ako, ang bilis ng tibok ng puso ko. Tinignan ko si Ethan, tahimik lang siya, hindi siya nagsasalita. Nakita ko din na nagpupunas siya ng luha.

'Pierre, nasasaktan na ako. Gusto mo bang umiyak ulit ako? Ang sakit lang, na inaagaw ng taong kinaiinisan ko yung taong mahal ko.' Hindi ako makasagot, iniiwas ko yung tingin ko sa kanya, nasa public kasi kami, nahihiya na ako, nanghihina na ako.

Nagtext ako sa kanya, 'Kung nasasaktan ka na, okay, let's stop this. Uuwi na lang ako.'

'Oh sige, hihintayin ko nalang kapatid ko, hindi ko na kasi kaya, hinihika na ako.' Narealize ko, paano nga pala ako uuwi eh hindi ko alam kung saan at paano ako sasakay pauwi.

Tinext ko si Aaron, gusto ko magpasundo sa kanya pero nasa school pa siya kaya tinanong ko nalang sa kanya kung pano umuwi pero hindi niya sinabi. Kinuwento ko nalang lahat ng sinabi ni Ethan, lahat ng ginawa niya ngayon and such.

'Hindi ko na talaga kaya, uuwi na ko, sabihin mo nalang sakin kung pano umuwi.'

Tumayo na ulit siya at pinasama niya ako sa kanya. What I thought was ituturo na niya sa sakin yung way pauwi pero mali pala ako. Ayaw niya pa ako pakawalan, dinala niya ako sa bahay niya, pretend na nothing was happened. Parang ayos pa rin siya, he started the conversation again, nagkwento about his life, heto naman ako, hindi na makadikit sa kanya, hindi na rin makatingin o makapagsalita sa kanya. Tinuturing ko siya na as if he didn't actually exist.

Inisip ko na tumakas na lang ako kahit hindi ko alam yung way, na magtanong tanong nalang kung paano umuwi. Pero huli na pala, nasa bahay na nila ako.

Pinapasok niya ako at pinaakyat papuntang third floor. Pinaupo at kumuwa ng pagkain. Pinakain niya ako pero ayoko. Wala akong gana, wala ako sa mood, hindi ako makakain na nandyan siya, nirereject ko talaga siya.

Hinawakan niya yung kamay ko, pilit ko namang inalis yung pagkakahawak niya sakin, nandidiri kasi ako.

'Pierre, ano ba talagang problema?'

'Wala, gusto ko na talaga umuwi, ayoko kumain, wala ako sa mood.' Hindi ko rin alam kung ano yung problema, bigla nalang ako naging ganto, siguro ayoko din kasi yung kinukulit at tinatanong ako ng mga bagay na ayoko sagutin. Siguro kasi masyado na akong naso suffocate sa kanya.

'Ano ba? Ako ba yung problema, sorry na. I hope na sana at least you pretend na parang tayo. Gusto ko maging masaya kahit ngayong araw lang please. I want to enjoy this moment na kasama ka. Yeah, I know na mukha na kong desperado pero mahal talaga kita eh kaya pagpipilitan ko ang sarili ko kahit na magpretend ka lang.'

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon