Chapter 5

428 8 0
                                    

Hindi ako nakatulog, hindi ako nakakain. Siya ang nasa isip ko, nasa isip ko yung mga ginawa namin noong araw na yun. Kinikilig ako na hindi mapakale. Iba yung feeeling, hindi ko maexplain.

Pumasok na ko sa school. Siya pa rin nasa isip ko habang nasa byahe ako. Halos lahat nga ata ng taong nakikita ko, hawig niya.

Finals namin sa isang subject, wala akong masagot kaya chineck ko muna yung phone ko. Nakita ko, may message siya, nag good morning siya tapos may sweet message pa na kasama. At dahil may extra load pa ko, nagreply naman ako. Nag good morning din sa kanya, nag sabi ng 'I miss you' at 'I like you'. Pagkatapos nun, hindi na siya nagreply, nag hintay ako ng reply, pero wala pa rin.

Lunch break na namin, medyo matagal ko nang hindi chineck ang phone ko. Pagkabasa ko, may message na siya. Matutuwa sana ako kasi at last nagmessage na siya pero mas nalungkot pa ata ako. Nakasaad kasi sa message na "Uy, may aaminin sana ako, sorry. :("

Hindi ko alam ang iisipin ko, nagiinit ako na kinakabahan ako na ewan. Ineexpect ko na kasi yun, alam ko na na gagawa siya ng kalokohan. Dahil na rin siguro sa nakekwento niya na nagloloko pa siya, na hindi siya seryoso.

Nagreply na lang ako ng "Uy, bakit ano yun? Haha." Kunware masaya pa ako, ayoko magpahalata sa kanya na hindi ako okay. Ayoko rin mag paapekto masyado, baka maiyak pa ako.

"May partner ako :( sorry tinago ko sayo. Malabo na talaga kasi kami kasi nagustuhan na talaga kita. Kaso siya pa din talaga."

Nanginginig ako nung nabasa ko yun, nanghihina na ako. Hindi ko alam kung bakit, gusto ko umiyak pero ayoko ipakita sa mga kasama ko na nalulungkot ako. Ayoko umiyak pero deep inside umiiyak na talaga ako.

"Hahahaha. Ayos lang yun, ineexpect ko na yun. Goodluck sa inyo. :)"

Kunware ayos pa ako, kunware okay lang sakin pero hindi. Nasasaktan ako, kahit sino naman kapag niloko, masasaktan diba? Hindi ko alam ang gagawin ko. I pretend to be fine, pero di ko pala talaga kaya.

I thought it was the end, pero hindi pa pala, umpisa palang pala yun. Doon pa pala magbubloom yung relationship namin.

Pagkauwing pagkauwi ko, nagpaload ako. Tinext ko agad siya. Nag explain siya sakin, inexplain niya lahat. And tama nga, nagsinungaling nga lang siya. Pero ang hindi ko alam ay kung hindi rin ba totoo yung feelings niya para sakin.

Inamin ko din na nagsinungaling ako. Na I just pretended na hindi ako nafall, na hindi ako nasaktan. Inamin ko lahat, umamin din siya. Inexplain niya lahat at sinabi niya kung pwede daw ba kami magstart ulit. Umoo nalang ako, siguro kasi ayoko pa siya mawala sakin. Ang selfish ko diba?

And that time, sinabi ko kay Ethan lahat ng yun. Sino si Ethan? Isa sa mga manliligaw ko. Masyado siyang concern ng nalaman niya yun, naiyak pa nga daw siya para sakin eh. Then he asked me to meet him. Sabi niya gusto niya daw ako icomfort, gusto niya daw na pagusapan namin yun. Pumayag naman ako, kasi I was hoping na baka makatulong siya para makalimutan ko si Aaron. Yeah, ginawa ko siyang rebound.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon