Chapter 39

36 3 6
                                    

Dumating na ang araw ng muli nilang pagkikita. Muling nagbalik sa isipan ni Pierre 'yung mga nangyare noong una nilang pagkikita. Bawat madaan nila, naaalala niya lahat ng una nilang pinagusapan ni Aaron.

Nagbalik sa kanya lahat ng ala ala. 'Yung pakiramdam noon na masaya pa siya kasama si Aaron. 'Yung naramdaman niya noong una silang nagkita, noong wala pang panloloko, lahat ng iyon ay nagbalik sa isipan niya.

Mga ala-ala lang ang nagbalik pero hindi ang nararamdaman niya noon para kay Aaron. Wala na, sirang sira na kasi ang puso niya. Wasak na wasak na, hindi na niya kayang makaramdam ng tuwa, ng kilig. Napuno na ng puot ang puso niya.

Nakarating na sila sa bahay ni Aaron. "Buti na lang walang tao, teka iihi mun ako, umakyat ka na muna." ngumiti si Aaron sa kanya at nagbigay din siya ng pekeng ngiti. Alam niya kung anong binabalak ni Aaron, pipilitin na naman siyang gawin ang mga bagay na makapagpapasaya saya kay Aaron.

Umakyat siya at inilagay ang kanyang bag sa sulok ng kama. Humiga siya, huminga ng malalim at nag isip. Kailangan niyang kumalma, kailangang hindi manaig ang nararamdaman niya, hindi dapat mangibabaw ang emosyon, kailangan niyang maging normal.

Narinig niyang may papaakyat, si Aaron na siguro' yun. Nakahiga pa rin siya at tumingin sa dahan dahang pagbukas ng pinto. Si Aaron nga. Nakangiting pumasok ang binata at tinabihan siya sa kama.

"Kumusta ka na pala?" Napakaobvious ng sagot sa tanong niya. Pagkatapos ng mga nangyare tatanungin niya kung kumusta. "Ayos lang naman ako." Ngumiti si Pierre. Ngumiti din si Aaron.

Bumilis ang tibok ng puso ni Pierre. Napakaamo kasi ng mukha ni Aaron. Parang anghel kapag ngumiti, napakabait, parang walang gagawing masama.

Dahil doon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy niya ang plano niya. Iniisip niya na patawarin na lang niya si Aaron. Na kalimutan na lang lahat.

As usual, tahimik lang si Pierre at si Aaron lagi ang nagsasalita. Sumisimpleng yapos na si Aaron, ayun na ang signal na may gagawin siyang kalokohan kay Pierre.

Tumahimik si Aaron, tumitig lang siya kay Pierre. Mata sa mata. Hanggang sa onti onti ng naglapit ang kanilang mukha, ang kanilang labi pero hindi pa ito tuluyang naglapat ay inurong si Pierre ang mukha niya kay Aaron.

Hinawakan naman ni Aaron ang ulo ni Pierre ang pwersahang nilapit sa kanya at hinalikan. Nagpupumiglas si Pierre, tinutulak si Aaron pero mas malakas si Aaron sa kanya.

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon