Chapter 9

270 8 1
                                    

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Gusto ko nalang umuwi, gusto ko nalang umalis. Feeling ko kasi, isa akong 'pet' na pinaglalaruan, kinukulong at tsaka na lamang papapabayaan kapag wala na itong silbi.

'Gusto ko na talagang umuwi.'

'Ganito nalang, kumain ka muna tapos papauwiin na kita.'

Kinuwa ko yung earphones ko at nagplay ng music. Ewan ko, kinakabahan kasi ako, nanghihina din ako. Ni paghawak nga ng utensils hindi ko magawa, nangiginig kasi ako.

May mga sinasabi siya pero hindi ko naririnig at napapansin kasi ang nasa isip ko lang ay sana makatapos agad ako sa pagkain.

Nagmadali ako, pinilit ko, hindi ko na nginuya at nilunok ko nalang. Kahit na ayaw ko sa pagkain kasi may ingredients tong kamatis ay pinilit kong ubusin to, para lamang makaalis na ako.

Hindi rin siya mapakale, alis siya ng alis at everytime na lalapit at titingin siya sakin ay nilalayo ko ang upuan ko at tumititig ako sa kanya ng masama.

Tinext ko si Aaron, sabi ko ay magkita kami after neto, pumayag siya at mukhang papunta na nga siya doon. Nagulat din siya kasi bakit ang tagal daw.

Kinuwa ni Ethan yung mga grooming products na binili niya kanina tapos umakyat siya. Naligo pa ata siya, medyo kinabahan ako kasi baka may masama siyang balak.

Tapos na ko kumain, tinext ko na siya na uuwi na ko. Pumunta na siya papunta sakin pero sabi niya, ayaw niya pa daw kasi gusto niya ngang ienjoy yung araw, yung oras na kasama niya ako.

Hinawakan niya ko sa balikat at hinaplos ito ng dahan dahan, inalis ko naman agad ito at tinignan siya ng masama. Nandidiri ako, ni hawakan o tignan siya ay hindi ko magawa.

'Nakakatakot ka na.. Sige, tara na, ihahatid na kita.'

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon