Chapter 17

218 10 5
                                    

"Gusto mo kayo nalang ni Steven?" Nagulat ako sa pagkakasabi niya nun, hindi ako makapagsalita. Kung ano ano iniisip ko. Bakit niya nasabi yun? Kasi sawa na siya sakin? Sawa na siya sa amin? O wala na siyang mapaglaruan kaya gumagawa siya ng baging laro.

"Ano ka ba, joke lang yun. Hahaha. Pero ano? Gusto mo kayo nalang? Mag papakacupid ako para sa inyo, parang yung sa mga ex ko dati, naging sila dahil sakin." Alam kong nagbibiro lang siya pero kung mahal niya talaga yung tao, hindi niya magagawang ipamigay yun sa iba.

Nagtricycle nalang kami papunta sa kanila. Nagkwento siya sakin tungkol dun sa napanood niya. Ewan, nakakarelate ako, nakakarelate kami, yung kwento parang kami. May nagmamahalan, may past, tapos gaganti si past, paghihiwalayin sila, taoos ang dulo? Tragedy.

Pumasok na kami sa bahay nila. Pinauna na niya ko kasi mag ccr daw muna siya. Umakyat na ko, hinintay ko siya sa tapat ng kwarto. Nagmasid ako sa paligid, nakikibahay muna ako tapos dumating na siya.

Pinapasok na niya ako, umupo ako sa kama ng kuya niya, siya naman nasa lapag, nakahiga sa higaan niya. Iniisip ko kung anong mangyayari, kung anong gagawin namin, kung ipipilit nanaman ba niya yung mga bagay na ayaw kong gawin. Kung gagawin nanaman ba niya yung sinasabi niyang 'pagpapakita ng pagmamahal' niya.

Nagpatugtog siya, tumingin siya sa akin. "Ano, diyan ka nalang? Tara, samahan mo kong humiga." Alam ko na ang mangyayare, tama ang hinala ko, kailangan ko ng maghanda. "Oo, dito lang ako. Maguusap lang naman tayo diba?" Sumimangot siya, tumalikod sakin. "Okay, matutulog nalang ako."

Ewan ko kung bakit hindi ko siya matiis, nagayuma na niya ata ako, nahypnotized na niya ako. Lumapit ako sa kanya, humiga at niyakap siya.

Humarap siya sakin, niyakap ako ng mahigpit, dikit na dikit ang aming katawan. Ramdam ko ang kanyang hininga, init ng katawan, pawis, lahat, nararamdaman ko sa kanya. Nilapit niya ang mukha niya sakin, hinalikan ako, bumulong sa aking tenga at sinabi "Will you give yourself to me now?"

Deviant LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon