Chapter 49

382 43 5
                                    

Caseline 

Ilang araw na naka lipas ng turuan ako ni Vin. Araw na ng exam at masyadong mataas ang confidence ko na makakapasa ako ikaw ba naman turuan ng isang Hot fafa este matalino, matalinong nilalang. Nag lalakad nako sa hallway ng school ng kinapa ko ang aking bulsa at napansin kong wala akong dalang cellphone. "Sh*t." Bulalas ko. Sa daming makakalimutan phone pa, makakalimutan pa naman ako kung ano ang mga eexamin ngayong araw sa phone lamang ako tanging umaasa para tingnan ang schedule ko.

Sa dami ng nireview ko ni isa walang tumatak may tumatak naman pero hindi masyado, iniisip ko padin nararamdaman kong wierd nitong mga nakaraan. I feel something wrong uy wala akong sakit ah, sadyang feeling ko lang talaga may mali sa nararamdaman ko.... nararamdaman ko? Tanong ko sa sarili ko ngunit sa isip ko lamang. Saktong nag ring ang bell hudyat na uwian na I suddenly stop at mini store para bumili ng ice cream umupo ako sa may isang corner para doon kainin ang ice cream. Nakatulala akong naka tingin sa mga taong dumadaan habang nilalasap ang ice cream maya maya lamang ay may biglang pumasok sa pinto ng mini store napatingin ako sa pag pasok nilang dalawa. Isang lalaking naka hoodie saka isang babaeng naka skirt at polo fitted shirt na croptop. Pag pasok palang nila ng pinto halatang may pinag aawayan sila hanggang sa maka dating sila sa may counter hindi ko nalang ito pinansin, nalasahan ko nalang na yung ice cream na kinakain ko ay ubos na stick na kasi nalalasahan ko. Tumayo ako para umalis na ng mini store ng biglang may humawak sa braso ko agad naman akong napahinto sa pag kakahawak nito.

Tumingin ako sa kanya. "Bakit?" Pag tatakang tanong ko. Hindi ko agad ito namukhaan naka mask saka naka hoodie.

"Caseline." Aniya, nagulat naman ako dahil bakit alam niya pangalan ko. Dahan dahan niyang tinaggal ang kaniyang mask at....

Nagulat ako. "Vin!" Bulalas ko. Ngumiti naman ito sa'ken.

"Anong ginagawa mo dito?" Aniya.

Napatingin naman ako sa kasama niyang babae na cute na naka skirt. Itatanong ko palang sana kung sino kasama niya ng bigla siyang nag salita.
"Ah si Armiel nga pala, pinsan ko." Sabi niya.

Napatango naman ako sa sinabi niya at ngumiti ako sa pinsan niya.
"Girlfriend ka ni Kuya Jansen?" She asked.

Umiling ako ng todo. "Ah-- don't get me wrong hindi niya ako girlfriend." pag lilinaw ko. She smiled after that at bumulong pa ng pabahagya, "I though girlfriend ka niya, bagay kayo." Mahina niyang sabi.
Umalis ang tingin ko sa kaniya at tumingin ako kay Vin. "Alis na'ko." Pag papaalam ko habang nasa isang akward na sitwasyon. "Wait!" sabi niya.

"Hmm?" sabi ko.

"Sabay kana sa'min uuwi nadin naman kami." he said.

"Ah oh, sige pero sana okay lang sa pinsan mo." sabi ko.

"Sure ate--?" confused niya tanong.

"Caseline." Pag papakilala ko.

"Let's go." Ani ni Vin. Tumango naman ako at sumunod sa kanila sumakay kami sa kotse niya, habang nasa byahe pauwi napansin kong hindi maganda ang kalangitan mukhang uulan ng malakas. Ilang minuto lang ay napansin kong nasa lugar nanamin kami, agad naman ako bumama para lakarin nalang ng konting hakbang ang bahay namin nag pasalamat din ako kay Vin at sumenyas din ako ng paalam sa pinsan niya. Habang nag lalakad na papunta sa bahay biglang bumugso ang malakas na ulan na tila ba hindi muna ako pinauwi. "Kay malas naman!" Bulalas ko. Habang nag lalakad pauwi napansin kong may tao sa gilid ko at pag lingon ko dito laking gulat ko ng nasa tabi ko na si Jaden at may dala itong malaking payong. Hindi ako naka pag salita, nakatulalang gulat lang ako sa nakita ko. Bakit kaya andito siya? Mga tanong na paulit ulit sa'king isipan.

"Teka bakit nandito---?" hindi ko na tuloy ang aking sinasabi, bigla kasi akong nadulas sa pag lalakad namin. Kala ko dati bobo lang ako pero ngayon mas napatunayan ko na hindi lang ako bobo sobrang bobo ko na pala huhuhu!

Paatras ako nahulog pero naramdaman ko sa pag ka dulas at pag ka bagsak ko ay may naka hawak sa ulo ko. Napapikit ako ng mata dahil sa pag kakadulas ko, ngunit ng maramdaman kong may naka hawak sa ulo ko ay dito na'ko nag taka, binuksan kong dahan dahan ang aking mga mata ng mamalayan ko na....

Nakapatanong saken si Jaden at hawak hawak niya ang ulo ko ng kamay niya! At hindi pa do'n nag tatapos ng malalayan ko din na ang aming mga labi ay mag ka dikit na! Jusko! Ano ba nangyayari sa mundo?! Bakit ba nangyayari sa'ken to?! Maya maya pa ay tinulak ko siya papaalis sa pag kakapatong sa'ken dahil panget ito tignan baka mamaya may makakita pa sa'min. Agad naman akong tumayo sobrang akward ng nangyari ngayon, parang gusto ko nalang mag pakain sa lupa o hindi kaya kidlatan nalang ako.

"Sorry--." Sabay pa naming sabi. Tumango nalang ako nag madali naman ako mag lakad wala na'kong paki alam sa ulan basta nakakahiya itong araw na'to.

Nang makarating ako sa tapat ng gate ng bahay namin, nag pasalamat naman ako sa kaniya. Tumango siya at feeling ko akward din sa kanya itong nangyari, patalikod na siya para umalis pero hindi ko alam kung anong meron sa isip ko at naisipan ko siyang tawagin!

"Jaden." Bulalas ko. Agad naman itong bumalik ng tingin sa'kin. Tinaasan niya ako ng kilay. Hays bading padin mga salitang tumatakbo sa isip ko.

"Bakit?" tugon niya.

"Ah--- magaling kana ba?" tanong ko. Kahit medyo akward tinanong ko padin siya.

"Magaling na, saka kung hindi ako magaling hindi naman kita hahatid pauwi." sambit niya.

Oo nga naman tanga ko din sa part na'yon. "Salamat" sabi ko. Tumalikod na siya at umalis, nag madali ako pumasok ng bahay at naligo. Habang nasa cr ako pumapasok sa isip ko nangyari kanina. "Masyadong concern sa'ken si bakla." mahinang sambit ko habang patuloy ang shower na binabasa ang buong katawan ko.
Biglang pumasok sa isip ko yung nangyaring isang bagay na alam kong hindi naman sinasadya mangyari, dahan dahan kong hinawakan ng daliri ko ang labi ko. Sa pag hawak ko dito hindi ko alam kung bakit nakakaramdaman ako ng init sa aking mga pisnge sa tuwing naalala, at...
At bumibilis tibok ng aking puso.
Agad ako kumuha ng sabon at nag hilamos. Sinasampal sampal ko sarili ko habang nag hihilamos. "Hindi pwde Caseline! Hindi talaga pwde." Asar na pangungumbinsi ko sa sarili ko. Hindi ko kasi dapat maramdaman ang mga ganitong bagay, lalo na't alam kong pusong babae siya.
Pero hindi ko din alam, hindi ko din alam kung bakit gano'n naging reaksyon ko? Umakyat ako ng kwarto ko habang nag susuklay ng buhok naiisip ko nanaman yung nangyari sa'min kanina. Habang nag susuklay sa tapat ng salamin, napansin kong nangingiti ako na para akong isang tanga.

"Bwusit!" Bulalas ko. Humiga ako ng kama pero bago yon, binuksan ko muna cellphone ko nag scroll lang ako ng may biglang nag text sa'ken isang unknown number. Nag taka naman ako kaya't binuksan ko. Sa pag kakabasa ko sa message.

"Can we talk? I just want to say something very important to you." Agad naman akong naloka, sino to? Ba't gusto ako kausapin. Baliw yata to eh.

Nag scroll nalang ulit ako sa social media hangga't sa napadpad ako sa isang tarot reading naka lagay pa.

"He/she likes me?" Tas pumili daw ng card, out of curiosity pumili nalang ako ng card no. 3 ang napili ko. Habang nanonood ng mga naunang result natatawa ako kasi puro NO natawa ako kasi ano pabang ineexpect ko sa no. 3 card na napili ko for sure NO din. Pero... biglang nag bago ng lumabas ang sagot nito.

"Yes he/she likes you, just wait for a moment He/She admit it to you."

HALA!!! Seryoso ba'to? Wait teka pero bakit parang lalo ako nag kainteres, saka biglang bumilis tibok ng puso ko. Saka unang pumasok sa isip ko siya. Hindi kaya't gusto niya ako? O gusto ko siya? Nababaliw ako, at kung ano ano pumapasok sa isip ko habang ramdam ko ang kakaibang feeling at ang bilis ng tibok ng aking puso. Napa upo ako sa pag kakahiga ko.



"Hindi kaya gusto ko siya?" mahinang bulalas na lumabas sa'king bibig.







To be continue......

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon