Chapter 36

284 42 2
                                    

CASELINE 

Ilang oras nalang at mag gagabi na, naka upo kami lahat sa gilid gilid habang nag aantay ng sasabihin nila Sir Arnold at Teacher Marie. Sobrang nakakapagod yung ginawa namin kanina, pero worth it naman dahil nanalo kami. Maya maya pa ay tumayo na si Ma'am.

"Kung anong grupo niyo kanina, gano'n na din ang grupo niyo sa next game," sabi niya.

What? Nakakaloka! Paano kami makakapag laro ng maayos eh ilang na ilang nga kami sa isa't isa ng mga ka grupo ko? Hindi ko na keri to pwde bang lumipat ng ibang grupo?

"Ma'am? Pwde po bang lumipat ng ibang grupo?" bulalas na tanong ni Ensley.

"Bakit? Hindi ba't nanalo ang grupo ninyo kanina? Ano pa bang hindi maganda sa grupo na iyan at lilipat kapa?" tanong ni Ma'am.

Umirap si Ensley sa amin. "Well, madami pong hindi maganda kung alam niyo lang Ma'am," sabi niya, sabay padabog na umupo.

"Pasensya kana, ayan ang napag desisyunan ko walang aayaw kahig hindi niyo pa gusto ang ka grupo ninyo, tandaan ninyo may parusa ang matatalo! Nag kakaintindihan ba tayong lahat?" pa sigaw na tanong ni Ma'am sa'min lahat.

"Naiintindihan po."

"Ayan ang mga bell nayan ang mag sisilbing guide ninyo sa isa't isa pati ng mga ka grupo ninyo," sabi ni Ma'am.

"Nakikita ninyo ba itong mga flag?" tanong ni Sir Arnold.

"Saan po Sir hindi ko nakikita?" tanong ni Tyra.

"Smpre hindi niyo makikita dahil ito ang hahanapin ninyo," pilosopong sabi ni Sir Arnold.

"Wait what? Eh mag tatakip silim na ah?" nag tatakang tanong ni Hera.

"Oo kaya nga uumpisahan nanatin ang sunod na game," sabi ni Sir.

"Ano? Gabi tayo mag stastart ng laro?" gulat na tanong ni Rj.

"Oo bakit Rj? Anong problema mo dun ah?" tanong ni Sir.

"Ah hehe wala naman po Sir nagulat lang ng konti," sagot niya.

"Ganito ang proseso ng laro, kada grupo padamihan ng flag na makukuha at mahahanap," singit na sabi ni Ma'am.

"Ma'am? Paano po eh gabi makikita ba namin agad yon?" tanong ni David.

"Glowing in the dark yun, smpre David nag iisip din naman kami bago gawin ang game na ito," sabi ni Ma'am.

"Oh wala naman pala problema eh! Glowing in the dark naman pala lahat ng flag," sabi ni Marisse.

"Oo wala problema sa mga flag, ang may problema ay kung saan ito naka lagay at kung gaano ba kadami ang makukuha ng kada grupo," sabi ni Ma'am.

"At smpre may oras yun bibigyan lang kayo ng dalawang oras para ikutin lahat ng lugar dito," sabi ni Sir Arnold.

"What? Buong kabundukan na ito? Iikutin? Ibig sabihin lahat ng parte ng bundok na ito ay may flags?" tanong ni Alyana.

"Oo Alyana, huwag kayo mag alala safe ang buong ka bundukan na ito, dahil ang kada end ng daan ay may harang na hindi na kayo mapupunta sa kabilang kabundukan," sagot ni Sir.

"Okay bawat isa sa inyo ay may bell, patunugin ninyo lamang iyan at ibig sabihin ay andoon kayo sa lugar na iyon, para malaman agad ng ka grupo ninyo, maliwanag ba?" sabi ni Ma'am.

"Maliwanag po," sagot namin.

"Malapit na mag alasais, mag uumpisa na tayo pumunta na sa kanya kanyang grupo," sabi ni Ma'am.

Pumunta naman agad kami sa kanya kanya naming grupo. Ang grupo namin ay walang kibuan, walang pansinan, kung hindi lang para sa game hindi naman na talaga kami mag kakausap ng mga ito. Napa tingin ako sa bahagi ni Jaden at nakita ko siya humihinga ng malalim.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon