CASELINE
"We have some announcement, punta tayong lahat sa information hall."
Pumunta kaming lahat sa information hall, umupo kami sa upuan. Katabi ko si Ensley na kumakain ng piatos, kanina pa siya kumakain hindi niya mapigilan para siyang nag lilihe.
"Okay goodmorning everyone!" bati ng isang teacher mula sa stage.
"Goodmorning po," pabalik na sagot naming lahat.
"May kaylangan kayong malaman lahat simula ngayon mag uumpisa na ang ating club."
Club? Bar club? Joke!
"Ang club ay may iba't ibang aspeto, may club para sa mga performers, may club para sa academics at me'ron din sa sports."
"Simple lang ang gagawin pipirma lang kayo---" naputol yung sasabihin ng isang teacher dahil may sinasabi 'yung katabi niyang isang teacher. May binulong ito sa kaniya.
"Ah oo nga pala kaylangan ninyo malaman na may ccordinator ang bawat club, sila ang mag babantay sa inyo, kaya nga lang 'yung mga coordinator na napili namin ay hindi niyo pa kilala dahil hindi sila teacher dito," sabi niya.
"Pinapakilala ko ang unang coordinator na nag handog ng kaniyang sarili Vin Jansen Domingo coordinator para sa mga performers."
Tumigil ang mundo ko ng marinig ko ang pangalan ni Vin, anong ginagawa niya dito? Saka bakit naging coordinator siya eh hindi pa naman siya teacher.
"Uy okay ka lang?" siko sa 'kin ni Ensley,habang ngumunguya padin ng piatos.
"Ayos lang," sagot ko,sabay ayos ng upo ko.
Kinuha ni Vin ang mike. "Well Hi everyone, My name is Vin Jansen domingo, I'm 18 years old turning 19 on december 12, I offered my self as one of the coordinators of club because I want to help student's like me to enhance their knowlegde and also their skills thankyou! I hope you enjoy all and Godbless!" sabi niya, sabay balik ng mike at punta sa upuan na nilagay sa may gilid ng stage.
Para akong natanggalan ng laluluwa sa sinabi niya, sumali siya bilang coordinator tapos ang masaklap pa do'n sa club pa siya ng mga performers, at do'n ako kasali. Nak ng tokwa naman!
"Ang pogi naman nung Vin na coordinator ng performers, do'n nalang kaya ako sumali," rinig kong usapan ng mga babae sa gilid ko.
"Yes girl mukhang jowable saka mukha ding single ready to mingle!" sabi pa nung isa,sabay apir sa kausap niya.
Totoo naman talaga sinabi nila, kaya nga first crush ko si Vin, gwapo na matalino at talented pa magaling kaya siyang sumayaw, pero nahihiya ako sa kaniya. Una palang alam kong hindi naman ako 'yung tipo ng babaeng magugustuhan niya.
JADEN POV
Psh! Ano nanamang kalokohan naiisip nitong Jansen na 'to, may pa coordinator pang nalalaman, pero okay naman din hindi na dapat ako mainis dahil naka pag usap na kami ng masinsinan kagabi.
FLASHBACK
"Bakit parang ayaw mo padin akong maging kaibigan ni Caseline?" tanong niya.
Nasa tapat kami ng gate, bigla nalang siyang nag salita. Tingin ko nairita siya dahil sa nangyari kanina.
"Bakit? Ano bang pinuputak ng butchi mo diyan?" tanong ko.
"Kanina ayaw mo 'kong pag bitbitin ng bag niya tapos ayaw mo din akong ihatid siya sa bahay nila," sabi niya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Okay ka lang Jansen? OA mo ah, 'yan oh 'yan lang bahay nila," sabi ko,sabay turo ng bahay nila Caseline. "Saka Jansen, tigilan mo'ko kilala kang playboy sa US alam ko na mga galawan mo."
BINABASA MO ANG
My Gay Boyfriend Turns Into A Real Man
RomanceMay mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog kana pala sa isang bagay na hindi mo inaasahan. Ngunit hanggang saan ang pag ibig na ito? Aabot nga...