Chapter 46

397 43 3
                                    

CASELINE

"Iha?"

"Sino ba 'yun? Bakit hindi ko makita?" lakas loob kong sabi.

"Iha dito sa pinto sa taas!" sigaw ng tumatawag sa 'kin. Agad naman akong lumingon sa may taas.

"Ah saan po?" tanong ko dahil wala padin akong makitang tao.

"Lumapit ka iha," sabi niya. Sinunod ko naman dali dali akong lumapit sa may pinto sa taas umakyat ako ng isang hagdan.

"Ay kayo po pala," bati ko sa isang matandang babae na may kaliitan. "Kaya naman po pala hindi ko kayo nakita agad," kamot ulo.

"Iha? Anong ginagawa mo do'n?" tanong niya, habang tinuturo 'yung inupuan ko kanina.

"Ah nag papahangin lang po," sabi ko.

Ngumiti ng isang kaligaligalig sa 'kin ang matanda. "Halika samahan mo'ko do'n," anyaya niya sa 'kin. Agad ko naman siyang inalalayan dahil may katandaan na siya at napansin kong medyo hirap na siyang kumilos.

Sinamahan ko nga siya, kaso nga lang nung makarating na kami do'n malapit sa may upuan ay, huminto siya.

"Bakit po kayo huminto hindi po ba kayo uupo?" tanong ko.

Ngumiti lamang siya at umiling.

"Upo na po kayo baka mangawit po kayo diyan kakatayo," sabi ko. Tiningnan ko siya ng maiigi at napansin kong bakas sa mukha niya ang tuwa, ngunit ang pinag tatakahan ko nga lang ay bakit ayaw niyang umupo.

"Iha, pag masdan mo lang ng mabuti ang upuan na 'yan," masayang sabi niya. Humarap naman ako para makita ng mas malinaw at buo ang upuan na sinasabi niya. "Ah bakit po anong me'ron dito?" pag tatakang tanong ko.

"Iha hindi ba't napaka ganda? Sweneswerte sa pag ibig ang sino mang umupo diyan," sambit ng matandan sa 'kin. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung matatawa ba 'ko sa pinag sasabi niya. Pumasok tuloy sa isipan ko na baka nag uulyanin na siya kaya kung ano ano na ang kaniyang mga pinag sasabi.

"Ah gano'n po ba," sabi ko.

"Oo ikaw ang pang anim na umupo diyan, naniniwala ako na sweswertihin ka sa mapapangasawa mo," sabi niya.

Agad naman akong natawa sa sinabi niya. "Hindi po totoo 'yan, bata pa po ako at istudyante pala po ako paanong---" naputol 'yung sinasabi ko sa matanda habang naka ngiti siyang may tinuturo. Agad naman akong napalingon sa tinuturo ng matanda.

Nakita ng dalawa kong mata na nag lalakad si Jaden papunta dito sa 'min, napalunok naman ako ng laway ko.

"Ayan sinasabi ko sa 'yo dadating talaga ang para sa 'yo, at naniniwala ako iha na siya 'yon," sabi ng matanda, habang naka turo kay Jaden.

"Ha hindi po teka!" nag mamadaling sabi ko sabay takbo kay Jaden.

"D-diyan ka lang," sabi ko.

Tumingin naman siya sa 'kin. "Bakit?" nag tatakang tanong niya. Sabay lakad sa may gilid ko, agad ko naman agad siyang pinigilan.

"Bakit ba?" tanong niya.

"Kasi... ano... basta huwag!" kinakabahang kong sabi.

"Caseline, umalis kana diyan madami pa 'kong aakasuhin," seryosong sabi niya.

Hinawakan ko siya sa may braso niya, habang tinutulak siya pabalik. "Huwag nga sabi do'n ka nalang huwag kang pupunta dito," buong pwersa kong sabi.

"Caseline ayos ka lang ba umalis kana diyan para maka pag cr na 'ko---" naputol 'yung sasabihin niya ng matipalok ako sa pinag gagawa ko.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon