EPILOGUE

84 13 1
                                    


"Teka teka hindi pa'ko nakakapag palit ng swim suit eh!"

"Kukunan mo pa'ko picture diba?"

"Eh saglit nga lang saka na tayo mag usap mamaya."

"O sige na mag pose kana at kakain pa tayo."

"Ready? 1,2,3" *click*

"Ayan ang ganda! The best ka talaga eh!

"Tara na kumain na tayo."

Kaming dalawa ay nag patuloy na sa pag punta sa cottage. Hindi alintana ang init.
Isang private beach resort ang pinuntahan nila malayo sa mga tao at tila mahal ang pag kakareserve dito.

"Jaden?"

"Hmmm?" sagot niya habang ngumunguya.

"Labas tayo dito pag tapos natin kumain tutal mag susunset na mamaya."

"Sige ba." tuloy padin siya pag kain.

Ang bilis ng oras tila bang mamaya maya lamang ay mag aalasingko na ng hapon. Kitang kita na ang pag lubog ng araw.

Sa may gilid ng dalampasigan naisipan namin pumunta at umupo.

"Jaden?"

"Bakit?"

Napa tingin sa sunset. "Tulad din ba ng lumulubog na araw, papalayain mo nadin ba'ko?" mga matang namumugtong sa luha.

"Hahaha! Bakit 'yun ba talaga ang gusto mo?"

"Kung hindi mo na'ko mapapatawad pa, wala naman nakong magagawa."

Hinawakan niya mga kamay ko at tumigin sa'king mga mata.

"Caseline, sa dinami dami ng tao sa buong mundo ikaw ang napili kong mahalin."

Mga salitang nag patibok muli sa'kin puso.

"Ikaw 'yung taong tumanggap sakin ng buong buo, hindi lang kita basta minahal ng ganito, ikaw din kaibigan ko at sugar plum ko." dagdag niya na medyo kinangiti ko.

"Pasensya kana talaga." sabi ko.

"Huwag kana humingi ng pasensya, may mga pag kakataon lang talaga sa buhay na hindi natin ginusto, alam kong hindi mo 'yung ginusto at alam kong mahal mo'ko."

Mas lumapit pa siya sa'kin sa may bandang tenga ko.

"Minahal mo nga ako nung bading pa'ko lalo na kaya ngayon." sabi niya sa malambing na boses.

Habang kami ay nag kakatitigan tulad ng bilis ng pag lubog ng araw ay gano'n din ang pag bilis ng dampi ng aming mga labi.

"Mahal na mahal kita Caseline."

"Mahal na mahal din kita Jaden."

Natigilan ang aming pag hahalikan ng bigla siyang tumigil.

"Bakit?" tanong ko.

"Nag alala lang ako, baka nag dedelusion lang ako." sambit niya.

Napangiti ako. "Hindi no, ang ganda naman ng kahalikan mo sa delusion mo!" lokong sabi ko.

Nang akmang yayakapin ko na siya ay umiwas siya.

"Bakit?!" takang tanong ko muli.

"Eh? Baka kasi nag papanggap ka lang na mahal mo'ko!" dagdag niya.

Hindi ko na napigilan tumawa ng malakas.

"Hahahahaha! Ano kaba? Hindi 'no!" sabay hampas ko sa braso niya.

"Alam mo sa lahat ng nanyari, ang nararamdaman ko lang sa'yo ang totoo."

"Talaga ha?"

"Oo naman." sagot ko.

"I love you Caseline."

At natuloy na nga ang aming pag mamahalan na kala ko noon ay hanggang doon nalang. Kala ko hanggang kwento nalang kami pero hindi papala.

Nandito ako ngayon katabi ang tanong mahal ko. Hindi man katulad ng iba ang aming istorya pero alam namin pure ang aming pag mamahalan.

Sabay kaming napa ngiti sa isa't isa at hinalikan niya ako sa aking labi habang naka hawak sa aking leeg.

***

"Whooo! Cut! Cut!" sabi ni Direct.

Lahat ay nag palakpakan mula kay direct, producer, screenwriter at iba.

"Napaka galing ng nakuha natin mga aktres at aktor!" sigaw ng isang producer.

"Kaya nga eh! Grabe bebenta tayo nito ng malaki ang gagaling umacting!"

"Thank you po Direct Lucio! Salamat po sa inyong lahat!"

"Thanks Direct Lucio, we reall appreciate it so much!"

Nakita ko na umalis si Carl at nakita ko itong may bitbit na isang boquet ng bulalak. Si Carl ang gumanap bilang Jaden sa movie na ilalabas namin.

Narinig kong nag sigawan ang mga tao sabay palakpakan. Inabot kasi sakin ni Carl ang boque ng bulaklak na kanina ay hawak hawak niya.

"Salamat." sabi ko sabay ngiti.

"Uy, baka totoohanin niyo nayan ha!" sabi ni Hannah na kaibigan ko at co-artist ko din.

"Huy ano kaba marinig ka nakakahiya!" sabi ko sabay siko ng bahagyan sakaniya.

"Ayan na siya ayan na siya!" pabulong na sabi sakin ni Hannah.

"Ah Sofia!" tawag sakin ni Carl habang naka talikod na kami at papuntang car.

Napatingin naman ako sakaniya.

"Wanna grab some coffee muna?" he asked.

Nag katingin kami ni Hannah. Tinatanguan naman ako ni Hannah na senyas na pumayag na daw ako.

"Sure."

"Let's go?" tanong niya.

"Yeah, let's go." naka ngiting sabi ko.






The End

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon