Chapter 48

282 29 7
                                    

CASELINE 

Isang gabi na pala ang lumipas, isang gabi kung saan hindi ko makakalimutan. Napahikbi at napa kagat ako sa labi ko nang maalala ko nanaman ang pangyayari kagabi.

"Ay teka." Kinuha ko ang aking cellphone, naalala ko kasi na nasa hospital pala si Jaden ngayon.
Pag ka tingin na pag katingin ko sa cellphone akma namang 1% nalang ito, dali dali kong hinanap sa contacts ang name ni Vin para itext, gusto kong malaman ang kalagayan niya.

Ako:Okay naba siya?

Sinend ko na ang text ko at chinarge ang cellphone ko napatayo at nag lakad ako ng konti, binuksan ko ang bintana at tumambad agad sa 'kin ang simoy ng umaga. Napasandal ako sa may gilid ng kwarto ko habang naka tingin sa malayo. Hindi ko mawala sa isip ko ang nangyari kagabi, na tila ba isang panaginip lamang.

FLASHBACK

"So ikaw sinong crush mo?" naka tingin at halatang desidido siyang nag aantay ng isasagot ko.

Napahinga ako ng malalim, kumukuha ng lakas mag sabi sa kaniya ng totoo.

"Ang crush ko si..." hindi natuloy 'yung sasabihin ko ng bigla niya akong yakapin papalapit sa kaniya.

"Huwag mo ng sabihin," sambit niya.

Napalunok ako ng laway dahil sa pag ka bigla sa kaniyang ginawa, hindi ko akalain na bigla niya 'yung gagawin dahil hindi naman siya gano'n. Ilang segundo akong hindi naalis sa pag kakayakap niya, nag karoon nadin ako ng lakas ng loob kahit ka onti na sabihin sa kaniya habang naka yakap pa.

"Jaden, alam mo bang first crush ko ang pinsan mo."

Biglang natahimik ang paligid, hindi ko narinig na kumibo o nag salita man lang si Jaden. Kaya sinubukan kong umalis sa pag kakayakap niya pero ang higpit nito na tila ayaw niya akong kumalas sa kaniya.

Napatawa nalang ako. "Sorry, hindi ko nasabi sayo agad na first crush ko si Vin simula pa nung bata ako." Wala padin akong natatanggap na responde mula sa kaniya, ang tangin nararamdaman ko lang ngayon ay maluwag na pakiramdam dahil naamin ko nadin sa kaibigan ko ang matagal ko nang sekreto.

"Ah," tanging mahinang sambit niya.

Huminga ako ng malalim. "Buti naman nasabi ko na."

"Nice! Nandiyan lang pala kayo, pwde bang maki join sa group hug na 'yan?" nanlaki ang mga mata ko ng biglang may mag salita sa hindi kalayuan. Napatingin ako agad dito, at saktong nakita kong isang lalakin pamilyar walang iba kundi si Vin.

Napa tulak ako kay Jaden. "A-ah hindi 'yon ang iniisip mo!" pag tatangi ko.

Nakita ko namang naka ngiting papunta sa pwesto namin si Vin. "Hays okay lang 'yun sasama naman ako e," tinaas na niya ang kamay niya para yumakap sa 'kin ng biglang....

"Jaden!" napasigaw ako, dahil biglang bumagsak nalang sa semento si Jaden, nawalan siya ng malay at biglaan ito.

Pinuntahan ko siya at niyugyog. "Jaden! Gising!" Sinubukan ko ding tapikin ang pisnge niya ngunit hindi siya nagigising.

"Let's get him in to the car!" anyaya ni Vin. Hindi nadin ako nag dalawang isip, tinulungan ko si Vin sa pag bubuhat kay Jaden.

"Pumunta na tayo sa malapit na hospital!" pasigaw kong sabi dahil kinakabahan na 'ko. Nakita kong tumingin sa may salamin ng kotse si Vin, bakas mukha nito ang pag aalinlangan.

"Bakit? Tara na dalhin nanatin siya sa hospital hangga't maaga pa!"

"Okay, just please calm down." Pinaandar na niya ang kaniyang kotse, mabilis naman ito mag drive kaya walang problema wala pang sampung minuto naka dating na kami ng hospital, nakita ko namang nag mamadali din ang mga staff para asikasuhin si Jaden.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon