JADEN
Nag lalakad lang ako papuntang school alam kong malalate na'ko pero dahil sa sobrang pag ka inlove ko hindi ako tatakbo. Nadaan ako sa isang bahay kung saan may mag asawang nag aaway habang nag lalakad narinig ko ang sigawan nila.
"Ayoko na hindi na tayo nag wowork! Iiwan na kita!" Sigaw ng babae.
"Ayoko, ayoko mahal huwag hindi ko kaya kapag nawala ka mag lalaslas ako!" sabat naman ng lalaki.
"Bwiset ka! Mag patuli nga hindi mo kaya eh mag laslas pa kaya!" walang hiyang sigaw ng babae sa kaniya.
Hindi ko alam kung matatawa ba'ko o maawa sa lalaki. Pumasok na ako ng room at nakitang wala doon si Caseline, nakita ko naman sa hallway si Vin na nag lalakad napag isip isip ko na kausapin siya dahil masyado pa naman akong maaga sa klase.
"Vin." sabi ko. Tumingin naman siya sa'kin at mukhang alam niya naman na kakausapin ko siya. Pumunta kami sa may isang sulok ng school at doon nag usap.
"Simula ngayon layuan mo na si Caseline." sambit ko.
Kita ko sa mga mukha niya ang pag ka gulat pero expected ko narin naman ang magiging reaksyon niya. Napa kunot noo ito at sinabing
"Bakit?"Huminga ako ng malalim para masabi ko ng maayos sa kaniya. "Umamin na ako kay Caseline." seryosong mukha saka pag kakasabi ko.
"Huh? Alam niya ng bading ka matagal na ito naman oh." pa sarcasm pa niyang sabi.
Nangiti ako ng bahagya at sinabing "Hindi, na gusto ko siya." Tila parang may bumaril sa kaniya noong sinambit ko ang mga salitang iyon.
Napa iling iling siya. "Sabi ko na nga ba eh, pero sana alam mo din na natitipuhan ko siya." Sabay kindat sa'kin. "At mukhang may gusto din siya sa'kin." confident na confident na sabi pa niya.
"Kung gano'n bakit hindi tayo mag patagisan ng galing?" aniya. Natawa lamang ako sa sinabi niya. "Paunahan kung sino makakapag pasagot kay Caseline." seryosong sabi niya.
Tumango ako at pumasok na sa classroom. Lumipas ang oras at hindi pumasok si Caseline nag aalala ako kung ano ba nangyari sa kanila kaya naman pag kauwi ko ay dumeretcho ako sa bahay nila. Ngunit, ang tumambad sa'kin ang kapatid niya na si Chris. Tinanong ko ito,
"Hi si Case? Andiyan ba? Hindi siya pumasok eh." sabi ko.
"Ah wala po kuya ano po kasi..." nag aalangan siya sa mga sinasabi niya.
"Ano may nangyari ba na hindi maganda?" sambit ko.
"Wala po kuya ano masama po kasi pakiramdam niya masakit ulo niya saka..." sabay lapit sa'kin at binulong "me'ron po kasi siya."
"Ahhh, sige pagaling siya kamo." Umalis na ang ako sa tapat ng bahay nila. Pumunta ako sa may pinaka malapit na tindahan at bumili ng pads niya saka bumili ako ng milk ng milktea para sa kaniya bumili din ako ng siopao saka lugaw para hindi siya magutom kahit masama pakiramdam niya.
Nag doorbell ulit ako sa gate nila at lumabas naman ulit ang kapatid niya. Inabot ko yung binili ko at nag pasalamat naman ito sinabing dapat hindi na'ko nag abala, sinong hindi mag aalala importante sa'kin yung tao na'yon.
Habang pauwi ako sa bahay may tumawag sa phone ko dali dali ko naman itong sinagot.
"Hello." sagot ko.
"Hello! Good afternoon! Na move po ng wensday yung interview ninyo." isang babaeng mula sa kabilang linya ang kausap ko.
Naalala ko na may interview ako sa scholarship ko sa UK importante sa'kin 'to dahil madami akong gusto mapatunayan sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
My Gay Boyfriend Turns Into A Real Man
RomanceMay mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog kana pala sa isang bagay na hindi mo inaasahan. Ngunit hanggang saan ang pag ibig na ito? Aabot nga...