Chapter 7

527 138 9
                                    

CASELINE

Umaga na thursday na pala ngayon konting araw na lang at dance contest na.
Ayan ang ilang mga salita na tumatakbo sa aking isipan bumaba na ako para kumain.

"Ate andyn kana pala kain na," sabi ng kapatid ko.

"Si papa?" tanong ko.

"Ah maaga pa umalis," sagot ni Christian.

"Ah kagabi anong oras bumalik?" tanong ko.

"Mga 9:30 siguro ate bakit?"sagot niya

"Wala lang, napansin ko na hindi na kami nag kaka abutan."

"Ah ganon ba te,ako naman kasi mas madalang ko kayong makasama ng matagal kasi puro game ako eh hahahaha," sabi niya.

"Oo nga eh nung makaraan sabi ni papa nilibre kayo ng coach ninyo," sabi ko.

"Oo te okay na tapos nako kumain byebye. May laro pa kasi kami," sabi niya.




At umalis na nga si Christian. Maya maya pa ay naligo na ako at umalis na din. Pag ka labas na pag ka labas ko sa gate may sumigaw sa akin.

"Hi Sisssss," bakla netong boses.

"Sabay na tayo sis," sabi ni Jaden,sabay akay sa kamay ko.

Hindi siya ilang sa 'kin feeling girl talaga siya.

Nakasakay na kami ng bus at papunta na kami ng gate ng school ng nakapasok na kami ng gate naka abang na si David, Tristan, Ensley sa 'kin? Wait? Sa'min? Si ensley lang naman ang kaibigan ko dito.

Pumunta si David kay Jaden."Oy pre mag kasama kayo ni Caseline ah? Ano yun chamba lang?" tanong ni David.

Medyo nag paka lalaki na kasi nasa school si Jaden.

"Ah mag kapitbahay kami," sagot niya rito.

"Ha? Kapitbahay? Siguro dapat nadin akong lumipat sa street nila caseline ng mabantayan ko siya diba tristan? " malokong sabi ni David.

"Baka nga hahaha," sabi ni Tristan.

Narinig ko ang kanilang mga pag uusap lumapit naman si Ensley sakin.

"Uy bakit kayo mag kasama ni Jaden? Inaagawa mo siya sakin noh?" tanong ni Ensley.

"Ha? Inaagaw sayo? Hindi sis! Hinding hindi mangyayari yun!" sabi ko.
Sa isip isip ko lang hindi talaga mang yayari yun bakla yan eh kung alam mo lang.

"We? Or baka naman nilalakad mo na ako sa kanya tulad nung kwento ko sayo about sa mang huhula?" medyo mapang asar at kinikilig netong sabi.

"Nako Ensley mag tigil ka sa mang huhula hula nayan madaming namatay kakaisip nyan. Nako!
Osya, tara na pasok na ng classroom," sabi ko.

Pumasok na nga kami ng room tulad ng normal na istudyante goodmorning sa teacher.

"Goodmorning class! Tara na at pumunta na tayo sa taniman" bati ni Teacher Marie.

"Goodmorning maam!" sabi naming lahat.

Pumunta kaming lahat sa taniman medyo maputik at madulas smpre taniman alangan naman dry diba hahaha.

"Ano paba tinutunganga ninyo? Humahanap na kayo ng pwestong gusto ninyong pag taniman," sabi ni Teacher Marie.

Lumapit si Jaden sakin

"Saan mo gusto mag tanim?" tanon ni Jaden.

Lumingon lingon ako sa kaliwat kanan at nung nakita ko na sa badang likod ay maganda ang lupa at wala masyadong kaklase naisipan ko na dun. Ngunit...

Ackkkk! shunga shunga ang ate ninyo nadulas ako at buti na lang hinawakan ako ni Jaden sa bewang.

Madudulas na sana ako buti nalang sinalo niya ako. Nag katitigan kami sa mata sa mata ng mga ilang segundo.

"Hoy! Kayong dalawa ano bang ginagawa ninyo? Mag tatanim tayo hindi tayo sasayaw ah! "sigaw ni Teacher Marie.

Nagulat ako nung sinabi ni maam yon. Agad ako bumalikwas sa pag kakahawak ni Jaden sa bewang ko.

"Tara na dun tayo wala masyadong tao," sabi ko kay Jaden.

"Sige tara na," sabi niya.

Nag hukay na si Jaden ng lupa

"Yung binhi?" tanong niya.

Agad ko naman itong ibinigay sa kanya.

"Next time mag iingat ka ah. Baka next time wala ka ng buto," sabi niya.

Nagulat ako sa mga sinabi niya hindi siya boses bakla that time at concern siya dahil nga sa nangyari kanina. Omaaaygaaadddd! Ngayon ko lang napansin na ang lakas lakas ng dating niya kapag lalaking lalaki siya.

Nag patuloy ang pag tatanim namin at natapos na ang oras umalis na kami sa taniman at inalalayan padin ako ni Jaden.

"Dahan dahan ka lang baka mang yari nanaman ulit yung kanina," sabi niya.

"Sige salamat," sabi ko.

TEACHER MARIE POV

Totoo ba itong nakikita ko? Si Jaden may inaalalayang babae? Grabe ang sweet talaga nilang tingnan.

Effective tong plano ko para maging ganap na tunay na lalaki si Jaden. Hays naalala ko nanaman ginawa at sinabi ng daddy niya sakin na hanggat may pag asa at maari gawin kong lalaki si Jaden. Haysss. Nakakatuwa. Sana maging successful lahat ng plano ko.

CASELINE POV

Naka alis na kami ng taniman ni Jaden at pag ka labas namin ay sinabi niya

"Alam mo mag iingat ka babae ka parin," sabi ni Jaden.

After ilang seconds pahabol niya

"Although im a girl too sis shhh," binulungan niya ako ng malapit sa aking tenga na sya naman kinatayo ng balahibo ko.

"Oh okay okay haha thankyou. Ikaw na nag tanim tas ayun tinulungan mo pa ako. Ahh thankyou talaga," habang papaalis na sabi ko sa kaniya.

Umalis na ko sa harap niya at pumuntang cr para mag linis ng sapatos at talampakan dahil madami itong putik. Habang nag lilinis ako ay pumasok parin sa aking isipan yung imahe na nangyari kanina. Yung muntik nakong madulas ng tuluyan at hinawakan ako ni Jaden sa bewang. Para kasing nung mga oras nayon naging slowmo ang buong paligid hindi ko alam kung bakit hays.... habang nag lilinis at nag iisip ako may narinig akong dalawang babae nag uusap sa gilid.

"Yes Siya yung kanina na hinawakan ni mister cute guy."

"Walang hiya siya," rinig kong sabi ng isa.

"Tara sugudin na nanatin," sagot ng isa.

Maya maya pa ay may bumukas na ng pinto ng cr at bigla nalang akong sinampal pero hindi ko kilala kung sino at bakit?





To be continue....




My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon