CASELINE
Nagising nalang ako na umaga na pala, dinilat ang aking mata. Hindi ko padin makalimutan yung nangayari kagabi, parang panaginip lang ang lahat.
FLASHBACK
"Uy?" sabi ni Jaden,sabay tapik sa akin.
"Ah?" napatigil ako sa pag kakatingin sa kaniya.
Natawa siya. "Deep talks tayo," sabi niya, sabay bugtong hininga.
Tumango naman ako.
"Medyo matagal nadin tayong mag kakilala,pero wala pa akong masyadong alam sa buhay mo," sabi niya.
"Gusto mo ba talagang malaman?" tanong ko.
"Oo naman bakit hindi?" sabi niya.
"Gusto ko ding malaman ang mga bagay na hindi ko pa alam sa buhay mo," sabi ko.Ewan ko bakit ko nasabi 'yon.
"Uumpisahan ko na," sabi niya.
"Wala na akong mama," malungkot niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya dahil kung gano'n ay parehas kami. "Wala ka nading ina bakit?" tanong ko.
"Sumakabilang bahay na," sagot niya.
"Sumakabilang bahay? Ano 'yon?" nag tatakang tanong ko.
"Haha edi nasa ibang pamilya na," sagot niya.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Sabi ni daddy eh, hindi ko pa nakikita ng personal ang nanay ko," sabi niya.
Hindi ko akalain na may ganito palang mga problema at malulungkot na nakaraan ang naka balot sa isang Jaden Saber.
"Hmmm ako naman wala ng mama dahil sumakabilang buhay na," sabi ko.
Medyo nalungkot siya at napatingin sa akin. "Sorry baka hindi ka pa ayos," sabi niya.
"Haha tanggap ko na ilang taon na simula ng nangyari 'yon," sagot ko.
"Bakit sumakabilang buhay anong dahilan?" tanong niya,sabay hagis ng bato sa lawa.
Napahinga ako ng malalim sa tanong niya, dahil ang tanong na iyon ang pinaka iniwas iwasan ko, hindi dahil hindi ko gusto yung tanong kundi, bumabalik ang nakaraang dapat ay limot ko na.
Tumingin siya sa akin. "Kung hindi mo kayang sabihin ayos lang--" pinutol ko yung dapat na sasabihin niya.
"Hindi ayos lang, pero sa ating dalawa lang sana," sabi ko.
"Smpre, sekreto lang natin yung mga pinag usapan natin dito ngayon," sabi niya, sabay hawi sa buhok niyang naka brush up style.
"Nalooban kasi kami dati noong bata pa ako," sabi ko.
"Nalooban ng? Mag nanakaw?" nag tatakang tanong niya.
"Oo hindi pa kami dati naka tira kung saan man kami naka tira ngayon,pinasok loob ng bahay namin noon, bata pa ako noon, binaril si mama at," huminga muna ako ng malalim.
Hinimas naman ni Jaden ang likod ko, dahil parang maiiyak na ako sa kwenkwento ko.
"At nakita ko 'yon harap harapan," sa wakas na sabi ko din.
Pinatong niya ang isang kamay niya sa noo niya. "Gano'n pala."
"Saka kaya ako takot sa dilim, hindi dahil sa mga multo o kung ano man kundi, noong araw na binaril si mama tinago ako ni papa sa loob ng cabinet,para hindi ko makita ang nangyayari pero hindi masyadong na lock ng maayos ang cabinet nakikita ko ang mga tao mula sa labas sa gitnang bahagi ng cabinet, tinitingnan ko sila nakita ko ang ginawa--" naiyak na ako, hindi ko na napigilan.
BINABASA MO ANG
My Gay Boyfriend Turns Into A Real Man
RomanceMay mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog kana pala sa isang bagay na hindi mo inaasahan. Ngunit hanggang saan ang pag ibig na ito? Aabot nga...