JADEN
"Three laps ang mauna ay may dagdag grades nag kakaintindihan ba?" sigaw ni Sir.
"Opo!"
"Ready set go!"
Bigla naman kasing naisipan mag patakbo ng 3 laps nitong teacher namin, gusto pa maging routine namin araw araw. Sa sobrang haba at laki ng tatakbuhan hindi tatagal ang mga hindi sanay tumakbo.
"Sorry," rinig kong sabi ng nakabangga sa 'kin. Hindi ko ito pinansin derederetsyo lang ako sa pag takbo, dahil hindi pa ako nakakaisang ikot.
Habang tumatakbo may mga pangyayari na tumatakbo din sa 'king isipan, hindi ko kasi maintindihan ang sarili ko sa mga pinag gagawa ko lately para kasing may nag iba sa 'kin pero hindi ko matukoy kung ano 'yon. Naiisip ko 'yung pinag gagawa ko kay Caseline iniisip ko kung may masama ba do'n o talagang mas lumalalim lang ang pag kakaibigan naming dalawa?
Ano ba? Ano ba 'tong pinag iisip ko? Pero kasi may nararamdaman ako na takot akong mawala siya bilang kaibigan at gusto ko talaga siyang protektahan. Nakakainis talaga ano ba 'tong nang yayari sa 'kin.
"Uy pre ayos ka lang?" tanong ni Tristan na nasa gilid ko.
Tumango ako. "Okay lang naman," sagot ko.
"Parang ang lalim ng iniisip mo pre, ikaw na tuloy ang nasa huli sige bye kita kits sa finish line hahaha," sabi niya.
Napatingin ako sa likuran ko, oo nga ako na ang huling tumatakbo nauna na silang lahat sa 'kin, hindi ko man lang napansin parang kanina lang nauuna ako sa kanilang lahat. Huminto ako ng sandali at tumingin sa harapan ko, huminga ako ng malalim at tumakbo ulit.
Maya maya lang ay narinig ko na ang pito, senyales na mag pahinga muna. Tinawag kaming lahat ni Sir hindi ako maka lakad ng maayos dahil hingal na hingal ako at basang basa ang damit ko. Habang nag lalakad, napansin kong naka upo sa may isang gilid si Caseline naka yuko ito at ang lalim ng hininga. Hindi na 'ko nag dalawang isip puntahan siya at umupo sa may tabi niya.
"Okay ka lang?" tanong ko.
"Ayos lang," paputol putol na hininga niyang sabi.
"Parang hindi ka makahinga ng maayos," nag aalalang sabi ko.
"Tubig," sambit niya.
Agad naman akong napatayo. "Sige sandali kukuha ako ng tubig hintayin mo'ko diyan ah," nag mamadaling sabi ko.
Hindi ko na alintana ang pagod basta tinakbo ko ang canteen para bumili ng tubig, nag mamadali ako at tinakbo ko ito hanggang sa kaya kong bilis. Bumili ako ng tatlong bote ng tubig baka kasi kulangin, nag madali ako pabalik kay Caseline bitbit ang tatlong bote ng tubig. Hanggang sa makabalik ako sa kanya ng---
Nakita ko si Jansen katabi siya bitbit ang isang galon na tubig at pamaypay, pinapaypayan niya si Caseline at pinapainom ng tubig. Natigilan ako sa pag punta ko sa kaniya, para kasing kung may anong kirot sa dibdib ko at hindi ko na magawa pang puntahan siya. Nakatayo lang ako sa may isang sulok tinitingnan silang dalawa. Hinahawakan ni Jansen si Caseline sa braso at kamay isang bagay na kinainis ko at napa higpit ang pag hawak ko sa dala dala kong bote ng tubig, sa sobrang higpit ng pag kakahawak ko sumabog ito at napatingin ang ilan sa kinaroroonan ko.
Bakit ganito ang kaylangan maging reaksyon ko? Umalis nalang ako at pumunta sa locker room para kumuha at mag palit ng damit.
CASELINE POV
"Are you okay? Ito tubig," nagulat akong sabi ni Vin mula sa gilid ko. May dala dala itong galon ng tubig na siyang kinalaki ng mata ko.
"Bakit may galon?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Gay Boyfriend Turns Into A Real Man
RomanceMay mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog kana pala sa isang bagay na hindi mo inaasahan. Ngunit hanggang saan ang pag ibig na ito? Aabot nga...