Araw na pag punta sa Loposean City
CASELINE
"Anak mag iingat ka ah," sabi ni papa habang hawak hawak ang isang malaki kong bag.
"Opo pa nga pala anong oras na?" tanong ko sa kanya dahil hindi ako maka tingin sa orasan ko dahil may bitbit din akong isa pang bag.
"8:30 am palang nak bakit anong oras ba time na aalis kayo?" tanong ni papa.
"9 am po," sagot ko
"Osya osya tara na," sabay hatid sa akin ni papa palabas ng gate namin.
Sakto naman pag labas namin ng gate ay lumabas ang kotse nila Jaden, huminto ito sa harap ko at binuksan ang bintana ng kotse.
"Iha? Sabay kana dito," alok ni tito Eli sa akin ang daddy ni Jaden.
"Po? Okay lang po ba?," tanong ko kay tito Eli habang hawak ang buhok ko dahil malakas ang hangin at humahampas ito sa aking mukha.
"Oo naman iha, Sir? Hatid ko na itong anak mo papuntang school sabay na sila nitong si Jaden,"sabi niya, sabay turo kay Jaden na naka upo ng tahimik sa tabi niya.
"Oo walang problema pre, huwag mo na akong tawaging sir masyadong formal,"sabi ni papa kay tito Eli.
"Osige Caseline iha pasok kana,"sabi ni tito eli.
"Oh nak buksan mo na ang pinto ng kotse nila at ilalagay ko nadin itong gamit mo," sabi ni papa habang bitbit ang isa kong malaking bag.
"Sige po pa akin na po yan," sabi ko sabay kuha ng isang bag na bitbit ni papa para ilagay sa loob ng kotse ni tito Eli.
Pumasok na nga ako sa kotse ni tito Eli at umupo ng maayos at kinabit ang seatbelt inayos ko din ang pag kaka lagay ng dalawa kong bag sa gilid ko, maya maya pa ay umandar na ang kotse, sumenyas naman ng kaway na paalam si tito Eli kay papa, ganun din ako sa kanya, unti unti ng nakalayo ang kotse sa bahay namin at nag simula na itong bumilis, habang umaandar ang kotse biglang nag salita si tito Eli.
"Iha? Ilang bus kayo papuntang Loposean City?" tanong ni tito Eli.
"Isang bus lang po bente singko lang naman po kaming istudyante," sagot ko.
"Ah ganon ba hindi pala kayo kadamihan," sabi niya sabay tawa ng konti at tingin sa salamin sa gilid ng kotse niya.
"Opo nga pala tito Eli salamat sa pag sasama sakin papuntang school ah," magalang at nag papasalamat kong sabi sa kanya.
"Wala yun basta Jaden ingatan mo si Caseline ah?," sabi niya sabay kindat kay Jaden.
"Tsk excuse me daddy, hindi po ako nag apply kay Caseline para maging taga pag bantay niya," maarteng sabi ni Jaden sabay irap ng mata niya kay tito Eli.
"Kaibigan mo naman siya anak ano kaba naman," sabi ni tito Eli.
"Yeah dad! We are friends but Im not obligate to watch her every steps," maarteng pag kaka sabi niya sabay salamin sa salamin ng kotse nila.
'Wow english ang bakla hahaha' salitang nasa isip ko.
"Ewan ko sayo nak para kang may regla," malokong sabi ni tito Eli kay Jaden.
Tuloy tuloy ang pag dridrive hanggang sa makarating na kami sa harap ng school, sa unang tingin palang makikita na bus na kulay red at tila nag aantay na sumakay ang bawat istudyante na kasama sa camp tour.
"Oh dito na kayo baba na kayong dalawa," sabi ni tito Eli.
"Sige po thankyou po talaga ah tito Eli," masayang sabi ko habang binibitbit ang dalawang bag ko.
BINABASA MO ANG
My Gay Boyfriend Turns Into A Real Man
RomanceMay mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog kana pala sa isang bagay na hindi mo inaasahan. Ngunit hanggang saan ang pag ibig na ito? Aabot nga...