Chapter 32

292 44 0
                                    

CASELINE

Umagang umaga palang pinag iisipan ko na kung paano sasabihin kay papa yung bayad para sa camp tour namin sa monday,bumaba ako para sumilip kung gising na ba si papa, alas kwatro palang kasi ng umaga.


"Caseline? Anong tinitingin tingin mo diyan?" tanong ni papa.

"Ah eh, may sasabihin po sana ako," malumanay kong sabi

"Halika bumaba ka dito at dito mo sabihin." Masayang sabi ni papa

Bumaba naman ako at umupo sa may sofa
namin,habang naka upo tinititigan ako ni papa na tila bang "sabihin mo nayan pag yan may kalokohan kang ginawa lagot ka sakin" ayan ang nakikita kong ipinapahiwatig ng mga mata niya.

"Ano po kasi-- kaylangan ko po ng pera." Nakayukong sabi ko dahil nahihiya ako.

"Pera bakit para saan naman?" tanong niya sa akin

"Para po sa camp tour sa monday tatlong araw po kasi yun." sagot ko sa kanya

"Mag kano naman?" tanong niya

"1,500 po," napakagat labi kong sabi dahil nag aalinlangan akong bibigyan niya ako ng ganung kalaking pera.

"1,500?!," gulat na reaksyon niya.

"Opo pa ayos lang naman po kung---," naputol yung sasabihin ko ng bigla siyang kumuha ng pera sa pitaka niya.

"Ito nak, 1000 pesos lang ayan lang kasi kaya ko pag pasensyahan mo na." sabi niya sabay abot sa akin ng pera.

"Okay lang po pa, gagawan ko nalang ng paraan," nakangiting sabi ko kay papa sabay tayo.

Maya maya pa ay narinig ko ang pag bukas ng pintuan mula sa kwarto ng kapatid kong si Christian.

"Aga aga bakit ang ingay niyo?," reklamong sabi niya habang nag pupunas pa ng mga muta sa mata.

"Wow ah ikaw lang tao dito bahay?" Pag tingin ko sa kanya mula paa hanggang ulo at sabay irap ng mata sa kanya.

"Aga aga sungit naman nitong isa." sabi niya sabay punta sa kusina.

"Ano bayan oo ang aga aga nag aaway kayong dalawa," sambit ni papa.

"Ito kasing si Christian eh." sabi ko

"Ito kasing si Ate eh." sabi naman niya, sabay kaming nag salita.

"Osya osya tama na yan mag asikaso na kayo at kakain na tayo." sabi ni papa.

Pumunta na ako sa bag ko at kinuha ang pitaka ko para ilagay ang perang binigay sa akin ni papa, maya maya ay umupo na din ako sa hapag kainan. Habang kumakain ay biglang nag tanong si papa.

"Nga pala Caseline hanggang kaylan bayang bayaran para sa camp tour ninyo?" tanong niya.

"Hanggang ngayon lang po," malumanay kong sabi.

"Ha?! Ngayon lang? Eh paano yan 1000 pesos lang ang bigay ko sayo?," nag aalalang tanong ni papa habang sumusubo ng pag kain.

"Eh ako na nga pong bahala." sagot ko

"Ito oh 1000 ate gamitin mo muna para sa camp tour ninyo," inabot ni Christian ang pera niya sa akin.

"Saan ka naman naka kuha ng pera ha?," pag tatakang tanong ko.

"Sa bakla ate, de joke sa mga sinalihan kong liga yan noong makaraan," malokong sabi niya haban medyo natatawa tawa pa.

"Ah okay, kala ko talagang galing sa bakla na lagot ka talaga kay papa pag nangyari yun." sabi ko.

"Oo nak pati yung bakla mo isasabit ko sa puno ng mangga," pabiro na sabi ni papa.

"Hindi mang yayari yun hahaha ako pa!," malakas na sabi ng kapatid ko.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon