CASELINE
"Grabe ang dami palang may talents tapos nakakatawa din 'yung mga pinag gagawa nung iba 'no? Hahahaha!"
"Hahaha yes sobrang napasaya ako ngayong araw," masayang sabi ni Vin,sa loob ng kotse.
"Nakakatawa talaga!" hindi ko mapigilang matawa sa mga pangyayari sa club kanina.
"Mas madami pang masayang mangyayari hahaha!" tawa din ni Vin.
"Oo nga hahaha sinasakyan mo din eh 'no," sabi ko.
"Smpre coordinator niyo ako eh," sabi niya,sabay liko ng daan. Nasa loob kasi kami ng kotse at pauwi na.
"Teka hindi paba tayo uuwi bakit dito tayo?" tanong ko dahil huminto sa may tapat ng mcdo na bagong gawa malapit sa bahay namin.
"Hindi kakain muna tayo," sabi niya,sabay park ng kotse niya.
"Ha? Wala akong pera," sabi ko.
"Smpre libre ko," sabi niya.
"Pati ako?" singit na sabi ni Jaden sa backseat ng kotse.
Napatingin muna sa 'kin si Vin, hindi ko din alam kung bakit.
"Sige hahaha ngayon lang 'yan pinsan ah," sambit niya kay Jaden.
Tinaggal na namin ang kanya kanyang seatbelt,at bumama ng kotse nag lakad papasok ng loob ng Mcdo. Pag pasok palang sa pinto umiikot na ang tingin ko dahil mag hahanap na 'ko ng upuan para sa 'min.
"Doon," sabi ni Jaden,sabay hawak sa braso ko at akay sa 'kin.
Sumunod nalang din ako sa kaniya, isang pwesto na kasya kaming tatlo. Napansin kong naka ngiting naka sunod sa 'min si Vin.
"Anong gusto niyo?" tanong niya.
"Fries and McFloat advance thankyou," sabi ni Jaden.
"Ikaw Caseline?" tanong ni Vin sa 'kin.
"Burger? Kahit ano nalang siguro haha," nahihiyang sabi ko.
"Ah hindi mo sure ako na bahala," sabi niya,sabay alis sa harapan namin at punta sa counter ng Mcdo.
Habang nag aantay kinuha ko muna ang cellphone ko, nag bukas ng social media accounts at smpre nag picture din na nasa Mcdo ako.
"Sama ako," sabi ni Jaden,sabay dikit sa 'kin para masama siya sa picture.
Hindi na 'ko naka imik nag picture nalang din ako kasama niya. Pag tapos mag picture in-off ko na ang cellphone ko, nilagay ko ito sa bag ko. Tumingin ako sa counter tiningnan kung pang ilan ba si Vin sa mga pumipila. Pag ka tingin ko sa kaniya ay saktong naka tingin din siya sa 'kin, ngumiti siya at kumaway. Nakaramdam tuloy ako ng hiya pero kumaway din ako sa kaniya.
Bigla namang umubo si Jaden sa may bandang gilid ko. "Okay ka lang?" tanong ko.
Tumango siya at nag thumbs up pa.
Maya maya lang nakuha na ni Vin 'yung mga order, dinadala niya at nag si kain na kami. Mapapansin talaga na ang galante naman talaga nitong ni Vin, kaninang lunch libre din niya.
"Pala libre ka eh 'no," banggit ko.
"Hahaha oo kasi dayuhan lang naman ako dito dapat maki sama ng maayos," sagot niya.
"Hmm oo nga, pero sobra sobra na 'yung pan lilibre mo mula lunch," sabi ko sabay kain.
Ngumiti siya. "Because we're friends."
Muntik akong mabulunan sa sinabi niya, friends daw agad kami. Napatingin naman si Jaden sa 'kin habang pasubo ng kinakain niya.
"Are you okay?" tanong ni Vin.
BINABASA MO ANG
My Gay Boyfriend Turns Into A Real Man
RomanceMay mga pag ibig na hindi inaasahan at may mga pag ibig naman na nabuo sa isang pag kakaibigan. Sa pag takbo ng oras hindi mo mamamalayan na nahulog kana pala sa isang bagay na hindi mo inaasahan. Ngunit hanggang saan ang pag ibig na ito? Aabot nga...