Chapter 45

431 43 1
                                    

JADEN

"Sige salamat ah," rinig kong usapan sa may baba ng bahay.

"Sige salamat magandang gabi," boses ni Jansen.

Agad agad akong tumayo ng higaan at pumunta sa may terrece ko para tingnan, nakita kong kumakaway si Caseline kay Jansen. Napa tingin ako sa orasan ng cellphone ko. "7pm na ngayon lang sila naka uwi mula alas singo ng hapon." Mukhang masyado silang masaya kitang kita sa mukha ni Caseline na nag enjoy sila ni Jansen.

Naisipan kong bumama para salubungin si Jansen. Narinig ko ang pag bukas ng pintuan, agad ko siyang hinarap.

"Bakit?" inosenteng tanong niya sa 'kin.

Huminga ako ng malalim. "Saan kayo nag punta?" tanong ko.

"Gumala lang bakit?" tanong niya,habang nag tatanggal ng sapatos.

"Wala lang gabi na kasi delikado para kay Caseline," sabi ko.

Tumawa siya. "Chill wala akong gagawin masama sa kaniya, besides we're friends," sabi niya, sabay kindat.

Napalunok ako. "Friends? Pumayag ba siya?" tanong ko.

"Well insan, alam mo kasi sa mundo madami ka talagang pwdeng maging kaibigan," sabi niya.

"Psh! Huwag mo'ko lokohin Jansen hindi ako nakikipag biruan," sabi ko.

Tumawa siya. "Chill hahaha oo pumayag siya," buong pag yayabang niyang sabi.

Tumango lang ako at tumingin sa may sahig. "Ah," tanging sagot ko.

"Bakit may problema ba do'n?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala naman, sana lang hindi na kayo nag pagabi," malamig na boses kong sabi. "Akyat na 'ko," dag dag ko.

"Jaden wait," sabi ni Jansen. Napahinto ako sa pag akyat ko ng hagdan at bumaba. Tumingin ako sa kaniya.

"Sana okay lang sa 'yo na mag kaibigan kami ni Caseline, balita ko kasi siya lang ang only friend mo," deretsyahang sabi niya.

Ngumisi ako. "Walang problema do'n, masaya pa nga ako na friends kayo," sarcastic kong sabi.

"Mabuti naman pala sana hindi maapektuhan ang friendship ninyo ng friendship namin," pang aasar niyang sabi.

Tumawa ako. "Hindi, hinding hindi," sabi ko,sabay akyat pabalik sa kwarto ko.

Humiga ako sa higaan at napa isip na, baka maging iba ang friendship namin ni Caseline, baka hindi ko na siya makasama tulad ng dati makausap. Me'ron akong feeling na dapat sa 'kin lang siya, hindi ko alam kung bakit ko 'to nararamdaman, parang nababaliw na'ko!

KINABUKASAN

CASELINE POV

Ang sakit pa ng ulo ko parang kulang na kulang pa ako sa tulog. Naisipan ko munang umidlip dahil maaga pa naman at wala pang teacher.

"Guys anong nadala niyo?" narinig kong tanong ng isa kong kaklase.

"Toys lang e, ikaw ba?" tanong nung isa.

"Damit saka mga pag kain," sagot ng isa.

"Dapat dumating na 'yung sasakyan para makaalis tayo ng maaga," rinig kong sabi ng isa kong kaklase, agad akong napabalikwas sa pag kaka tulog.

Tumingin agad ako sa mga nag uusap, at napansin kong may dala dala siyang mga karton. "Para saan 'yan?" pag tatakang tanong ko.

"Para sa charity bakit?" sabi ng isa.

"Charity?" tanong ko.

"Oo me'ron tayong pupuntahan ngayon, at mamimigay tayo ng mga gamit at kung ano pang mga gusto nating ibigay sa mga naulila," sabi ng isa kong kaklase.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon