Chapter 57

71 23 5
                                    

Jaden

Toooot..... tooot.....

The sound of flatline.

The world stops. My world stops.

I can't breathe. She died.

Ang bilis ng nangyayari sa paligid lumabas yung doctor. I stood there na parang lumulutang sa sobrang gaan ng katawaan ko yung utak ko saka kaluluwa wala na sa katawaan ko.

"Caseline." sambit ko habang nakikitang nirerevive padin siya ng mga doctor at nurse.

Wala naba talaga? Tanging nasa isip ko.

Everthing black out.

Naririnig ko mga ibon na nag sisiawitan nakaramdam din ako ng silaw sa mata ko dahan dahan ko itong binuksan. I just realized umaga na pala.

Binuksan ko ang bintana ko at nakita kong maganda na ang panahon hindi na nag snosnow at may mga nag lalakad na mangilan-ngilan sa labas.

"Hows your sleep?" sambit ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko.

"Nanang." sabi ko sabay ngiti.

"Ano napanaginipan mo nanaman siya no? " sabi ng kasambahay na kasama ko din.

Si nanang nga pala palayaw niya lang Ate Malu talaga tawag ko pero dahil parang nanay ko na siya nanang nalang daw ang itawag ko sakaniya.

I smiled. "Oho, nanang eh limang taon na nakakalipas pero madalas ko padin siyang makita sa panaginip ko."

Hinaplos ako ni nanang sa braso.

"Jaden, iho may mga bagay at mga tao talaga na sa isip at puso nalang natin." sabay ngiti nito at kuha ng pinggan.

"Halina't samahan mo na ako dito, kumain na tayo may meeting kapa mamaya."

"Ah nanang hindi na po, hindi na'ko pupunta ng meeting may mas mahalang lugar ako na babalika--- este pupuntahan ho." sabi ko.

"O edi sige, basta kumain ka huwag papabayaan ang sarili." kita ko pag mamalasakit niya sa kaniyang mga mata.

Hindi alam ni nanang na nag book na'ko ng flight papuntang home country ko. Dahil sa loob ng limang taon hindi na'ko nakauwi sa sobrang sakit. Hindi ko kaya pero ngayon kaya kakayanin ko na?


"Attention passengers,

Our flight to the Philippines is now boarding at Gate 917. Please have your boarding passes and ID ready."

Ito na'yon. Bibisitihan kita.

After 20 hours of flight naka dating nadin ako ng Pilipinas. Nag book ako ng car papunta agad sa puntod niya. Kasi miss na miss ko na siya.

Sakto naman na umaga sa Pilipinas kahit pagod ang katawan ko sa byahe pero mas pinili kong unahin siya kasya sa pag papahinga ko muna.

Dumaan kami ng car na binook ko sa isang flower shop binili ko ang pinaka mahal na bulaklak para sakaniya. Nasa isip ko matutuwa siya alam kong hindi siya mahilig sa mga mamahaling bagay.

Pero sakaniya alam niyang lahat ibibigay ko lahat lahat. Kung gaano ko siya ka mahal dito ko lang 'yon mapapakita na kasi wala naman na siya. Wala naman na yung taong minahal ko ng sobra.

Mga 30 minutes nakadating din ako sa puntod niya. Dahan dahan ako lumapit sabay ng pag bagsak ng mga luha sa mata ko. Tinitigan ko muna ito at inabot ang bulaklak.

"Nagustuhan mo?" tanong ko.

"Dapat lang, kasi mahal yan haha joke lang."

Tumahimik saglit ang kapaligiran.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon