Chapter 34

343 45 1
                                    

JADEN

"Jaden? Jaden?" tinig na naririnig kong tinatawag ang pangalan ko, habang tinatapik ako.

"Ahh?" lutang na sabi ko.

"Gumising kana binigyan tayo ng 10 minutes para mag cr," sabi ni Caseline, habang inaalis ang ulo ko sa balikat niya.

Wait! Oo tama! Ulo ko sa may balikat niya. Agad naman akong umalis sa pag kaka patong ng ulo ko sa may balikat niya.

"Bumama kana,hindi kaba naiihi?" tanong niya.

"Ah naiihi na din baba na ako," sabi ko, sabay tayo sa pwesto ko.

Puk! Aray!

Hinawakan ko ang ulo ko, dahil nabunggo ako sa may taas na lalagayan ng gamit sa loob ng bus.

"Hirap maging matangkad pre noh?" tanong ni Tristan, na katapat pala namin ng upuan na naka tayo din.

"Oo nga eh sakit!" sabi ko, habang hawak hawak padin ang ulo kong nabunggo.

"Oh yung iba diyan ano pang hinihintay ninyo? Bumaba na kayo at mag cr dahil hindi na tayo mag stostop over mamaya!" Pa sigaw na sabi ni Teacher Marie.

Bumaba na ako ng bus para mag cr, nakita ko naman agad ang cr papasok na sana ako ng girls comfort room ng bigla akong hawakan ni Caseline.

"Bakla ka talaga doon yung cr ng mga lalaki," pabulong niyang sabi, habang tinuturo yung boys comfort room.

"Ay oo nga pala," sabi ko, sabay lakad papuntang boys comfort room.

Nag cr na ako pumila lang ako ng sandali dahil may dalawang lalaki pa na nauna bago ako. Maya maya pa pag tapos mag cr ay lumabas na ako para mag hugas ng kamay, pag tapos lumabas na ako para bumalik ukit ng bus.

"Bilis bilis pasok na isang oras na lang at malapit na tayo sa destinasyon natin," sabi ni Teacher Marie, habang kinakaway ang kamay niya hudyat na bilisan ang pag pasok sa loob ng bus.

"Muntik kapang mabuking sa girls comfort room kapa dapat kanina ah," mahinang sabi ni Caseline.

"Oo nga eh, salamat sayo pinaalala mo lutang kasi ako kakagising ko lang eh," sabi ko, habang inaayos ang damit ko kasi medyo nalukot ng konti.

"Listen up class, tumingin kayo sa bandang kanan ninyo, ayan ang Mt.Shrine na sikat na sikat ilang libong taon na ang nakakalipas," sabi ni Teacher Marie, habang tinuturo ang kanang bahagi para makita namin ang bundok.

Kamangha mangha talaga ang bundok, hindi pa man ako nakaka labas ng bus at hindi pa man din nandoon sa mismong lugar pero ramdam na ramdam ko na ang fresh na feeling at hangin na dala ng bundok.

"Diyan ba tayo mag cacamp sa bundok nayan?" tanong ni Caseline, habang naka tingin sa bintana.

"Hindi pa siguro pag kakaalam ko madilim at nakakatakot ang bundok sa Loposean City," sagot ko, habang naka tingin din sa may bintana.

"Ahh gano'n ba," mahinang sabi niya.

Lumipas ang isang oras at narating nanamin ang destinasyon namin, ang Loposean City.



CASELINE POV

"Ayusin na ninyo ang mga dala ninyo dahil nandito na tayo, mag lalakad lang tayo ng konti at andoon na tayo sa bahay ng nirent natin," sabi ni Teacher Marie, habang inaayos din ang mga gamit niya.

Maya maya pa ay nag si tayuan na ang mga tao sa bus, kinuha ang kanya kanyang gamit at bitbit ito, ang may mga dalang maleta naman ay baba muna ng bus para kunin sa gilid ng bus ang mga maleta nila. Maya maya pa ay, nag simula na kaming mag lakad sinusundan namin si Teacher Marie dahil siya ang nakaka alam kung saan ba ang bahay na nirentahan namin.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon