Kabanata 6

9.4K 209 9
                                    

Kristina

"Anak, pakisabi sa sir mo maraming salamat." Narinig ko ang boses ni daddy sa kabilang linya halatang malakas na ito at napakasigla ng kanyang boses. Naghihintay na ako ng masasakyan pauwi sa dorm. Naluha ako nang marinig siya. Gusto ko siyang yakapin ngunit wala akong ibang magagawa kundi makontento na lamang sa aming pag-uusap. Hindi na ako makahintay sa semestral break namin, gustong gusto ko ng umuwi.

"Mabuti naman po! Uuwi na po ako ngayong semestral break." Nagagalak na sagot ko.

"Anak, miss na miss ka na namin. Siya nga pala, anak, hahanap ako ng paraan upang mabayaran natin ang sir mo kaya huwag kang mag-alala diyan ha?" Dagdag niya pa.

"Napagdesisyunan ko na po pa na hindi ako titigil sa pagtatrabaho sa kompanya nila hangga't hindi ko nababayaran ang cash advance ko sa kanya." Pagpapaliwanag ko.

"Anak, hindi mo kakayanin 'yong binayad niya sa karagdagang pagpapagamot ko. Nagpadala ka noon ng 100,000, ibinayad namin 'yon sa doktor at mga gamot ko kaso eh, may bill parin kami sa ospital, nagulat nalang ako noong isang araw eh, bayad na raw lahat. Hindi naman nagpakilala ang nagbayad nun ngunit kilala ng ospital ang sir mo kaya naman nalaman namin na siya pala ang nagbayad. Nako, personal na pumunta pa raw 'yon dito para siguraduhing mababayaran talaga lahat ng bills." Nagagalak na pagpapaliwanag niya.

Napaawang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko upang mabayaran ang kabaitang ito ni sir. Alam ko naman na hindi rin iyon kakayanin ni daddy. Kailangan naming magtulungan upang mabayaran siya. Napabuntong hininga ako.

Napapikit ako ng mariin bago pumasok sa opisina niya. Gusto kong magpasalamat sa kanya at para narin gawin ang gawain kong magluto para sa hapunan niya. I let out a loud sigh at binuksan ang pintuan niya. Napangiti siya habang minamasdan akong papalapit sa kanya.

"Hey darling." Bati niya.

"Sir." Nakatayo lamang ako sa harapan ng lamesa niya. "Maraming salamat po sa pagbayad sa bill ng daddy ko sa hospital. Gagawin ko po ang lahat ng trabaho rito sa kompanya niyo para mabayaran ko lang ho kayo. Maraming salamat po talaga."

Bahagyang ngumisi ito. "You don't have to do that."

"Babayaran ko po kayo, pangako." I insisted.

"Well, hindi mo na ako kailangang bayaran. Ito nalang, semestral break niyo na next week, diba?"

"Opo." Tipid na sagot ko.

"Okay then, I'm sure bibisitahin mo ang mga magulang mo sainyo. Pwede ba kitang sunduin doon after one week, samahan mo akong magbakasyon kung okay lang sa'yo."

"B-Bakasyon po? Saan?" Bahagyang napakunot ang aking noo.

"It's a secret."

Napaisip ako ng malalim. Inaamin kong namiss ko narin ang magbakasyon sa kung saan saang lugar. Kaya lang, tama ba na sumama ako sa kanya? I feel secured when I'm around him pero...I don't think it's right na agad akong sumama nalang sa kanya sa malayong lugar. Sigurado ako nasa malayo kami magbabakasyon, kaya nga bakasyon eh. Napabuntong hininga ako.

"S-Secret po?" Ulit ko.

"Yes darling."

Napalunok ako. Secret? Pero hinding hindi ko maitatago sa sarili ko na gusto ko ring pumunta kahit saan kasama siya. Teka, ano? Gusto kong magbakasyon kung saan saan kasama siya? Kristina, huwag mong sabihing nagugustuhan mo na si sir? Ooops huwag kang iiling diyan! Halatang halata naman na gusto mo si sir. Pabebe pa more. I shook my head at that thought, bahala ka diyan konsensya! Gusto ko mang magbakasyon din, may pangamba parin akong nararamdaman sapagka't hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari roon.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon