Kabanata 42

6.4K 136 7
                                    

Kristina

Pinagtabuyan niya na ako. Isa lang ang ibig sabihin no'n, kailangan ko nang tumigil. Wala narin naman ang rason para ipaglaban ko pa siya. Wala na ang anak namin. Ang ikalawang anak namin. Ang sakit na kailangan kong dalhin ang pangungulilang ito mag-isa. I feel so helpless.

Umiiyak ako habang naglalakbay sa kalsada. Naghahanap ako ng pwede kong tuluyan. Gusto ko sanang umuwi nalang but I guess, kailangan ko pang ayusin muna ang sarili ko bago ako humarap sa mga magulang ko.

Hindi ko rin alam kung ano'ng gagawin ko kay Enrick. Ipapakulong ko ba siya o hindi? Pakiramdam ko kasi, he doesn't deserve to be put in jail anymore after confessing the truth. Nagsisisi rin siya sa ginawa niya.

I just want to rest right now. Pinahid ko ang luha ko.

"Hija, okay ka lang ba?" Sinalubong ako ng isang matandang babae sa kalsada.

Pinahid ko muli ang luha ko bago ako sumagot sa kanya. "Po? O-Opo. Okay lang po." Pinilit kong ngumiti.

"Parang hindi ata. Ang putla putla mo." Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ako sa noo. "Hind ka pa ba kumakain?"

Saka ko pa naalala na hindi pa pala ako kumakain. Kaya pala ang sama ng pakiramdam ko. "H-Hindi pa po pala."

"Kain ka rito sa karenderya namin, hija." Hinatak niya ako papunta sa karenderya nila sa tabi.

Pagdating namin ay agad niya akong pinaupo sa isang silya. "Ano ang gusto mong kainin?"

Tumayo ako upang mamili sa mga ulam. Umorder rin ako ng 1 cup of rice. Binuksan ko ang shoulder bag upang kumuha ng pera. When I opened my wallet isang libo nalang ang nandoon. Kailangan ko itong tipirin hanggang makahanap ako ng trabaho.

"Ilan po ito lahat?" Tanong ko sa nagbabantay doon.

"Hija? Huwag ka nang magbayad." Agad akong inalalayan ng matanda papunta muli sa upuan. Akala ko ay pinapunta niya lamang ako dito sa karenderya niya para may kumain dito pero mali ako, nilibre niya pala ako sa pagkain ko. I felt so ashame of myself sa aking naisip kanina. I am so thankful at nagkakilala kami.

"P-Po? Sigurado po kayo?" Tanong ko habang papaupo na muli.

Umupo rin ito sa harap ko. "Oo naman. Dagdagan mo pa 'yang kanin mo." Tumingin siya doon sa nagbabantay at sinenyasan ito.

"N-Nako, huwag na po. Okay lang po ako. Hindi ko rin mauubos kung dadagdagan pa itong kanin ko." Agad na pigil ko sa kanya.

"Hayaan mo na. Baka makulangan ka." Nguti nito habang kinukuha sa babaeng nagbabantay ang kanin. "Ako ang may-ari nitong karenderya." Dagdag niya pa.

"Maraming salamat po."

Nagsimula na ako kumain. Wow. Ang sarap ng pagkakaluto ng adobong manok. It's very extraordinary may nalalasahan kasi akong kakaiba o siguro feeling ko lang to dahil sa gutom. Dinagdagan ko pa ang kanin ko.

"Masarap ba?" Tanong ng matanda.

"Opo, sobra." Sabi ko sa kanya habang ngumunguya.

Hindi nagtanong ang matanda kung bakit ako umiiyak sa daan. She just let me eat in her karenderya at sobra kong ikinasaya ito. Malaki ang utang na loob ko sa kanya.

Pagkatapos kong kumain sa kanyang restaurant ay nagpilit akong tumulong sa paghuhugas ng plato. Nakakahiya naman kasi na kumain lang ako. Naghugas ako ng plato, nagpasalamat at saka umalis.

Nagsimula akong maghanap ng pwede kong tuluyan. Ang bigat bigat na kasi ng pakiramdam ko, ganoon narin ng puso ko. Gusto kong ilabas muna lahat ng luha ko sa lugar na walang tao at mahinahon. Kailangan ko ng maghanap ng pwede kong matuluyan.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon