Kabanata 15

8.2K 175 5
                                    

Jeff

          "Kristina, babe. Why did you left like that?" I brushed her hair as I was saying that. Nakaunan ang kanyang ulo sa aking dibdib. Nakapikit ang mata nito ngunit alam kong nakikinig siya.

          "I just thought it was the right thing to do." She said. I heard her sigh.

          "I love you so much babe." Sabi ko habang hinahawi ang konting buhok na na nakatabon sa kanyang mukha.

          She didn't answer. "I love you babe." Ulit ko.

          She cleared her throat. "After taking my virginity, hanggang dito nalang ba to? Lulubayan mo na ba ako?" Diretsahang sabi niya sa akin.

          Napakunot ang noo ko. What made her say that? What made her think of that? Damn! Iyan ba ang pagtingin niya sa akin? I mean, ganyan ako noon but not to her. I love her and I know that my feelings are real dahil hindi pa ako nakakaramdam ng ganito para sa isang babae.

          "Honey, mahal kita." I slowly lifted her chin upang makita ko ang mga mata niya. "Do you think hahanapin pa kitang muli kung hindi kita mahal?" I added.

          Hindi ito nagsalita.

          "Sumama ka sa akin. Doon ka na tumira sa bahay ko. My house is too huge at ako lang ang nakatira." I said. "Please, come with me." I added.

          Napalunok ito. "Mahal na mahal din kita Jeff. Akala ko kaya ko na hindi ka makita kahit isang araw lang, pero hindi. Miss na miss din kita. Pero..." She paused for a while. "Marami lang talagang hadlang. Ayaw kong madamay pa ang pamilya ko sa gusot na pinasukan ko."

          I shook my head. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil hindi ko na siya naiintindihan. "Ano'ng gusot ba ang ibig sabihin mo Kristina?" Medyo malakas ang boses ko nang sinabi iyon sa kanya.

          Bumangon siya at umupo, nakatapis parin sa buong katawan niya ang kumot. "Ang mahalin ka!" Humikbi siya. "Nahihirapan akong ipaglaban ka. Pero hindi ko rin mapigilan ang sarili kong mahalin ka. Sa tuwing hinahawakan mo ako, nanghihina ako na para bang gusto kong bumigay...at ito! Nangyari na nga!" Nanginginig ang boses niya habang sinasabi sa akin ang mga iyon.

          Bumangon rin ako at umupo sa tabi niya. I hugged her from the back. Ipinatong ko ang ulo ko sa abaga niya. My eyes watered. "Nagsisisi ka ba sa nangyari sa atin? Nagsisisi ka ba dahil binigay mo sa akin ang pagkababae mo?"

          She looked at me. Agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Jeff, h-hindi. Hindi yan ang ibig kong sabihin mahal." Agad niya akong binigyan ng simpleng halik sa labi. "H-Hindi mo ako maiintindihan..." She took a deep breath. "Sa ngayon, pwede bang itago muna natin ang relasyon natin? Huwag ka ng basta basta lang pumunta dito. Huwag mo akong puntahan sa school. Kailangan, magpretend tayo na walang tayo." Diretsahang sabi niya sa akin.

          "Babe, what's wrong? Okay na naman ang relasyon natin. Kung nag-aalala ka sa mga sasabihin ng ibang employees sa kompanya, huwag na natin silang pansinin. Isa pa, hindi ka na naman nagtatrabaho dun at hindi ka na muling magtatrabaho dun dahil hindi mo na kailangang magtrabaho. Sumama ka na sa akin babe. Please."

"Jeff, mahal mo ba talaga ako?" Tanong niya with her eyebrows cocked.

"Oo, mahal na mahal." Diretsahang sagot ko.

"Kung mahal mo ako, respetuhin mo ang mga desisyun ko, Jeff."

Napalunok ako. Bakit ba kailangan naming itago ito? Damn! Nirerespeto ko ang mga desisyon niya pero kailangan niya munang ipaintindi sa akin bakit umabot siya sa ganoong mga desisyon.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon