Kabanata 45

7.9K 151 5
                                    

Kristina

"Dali! Andyan na siya!"

"Asan dyan?"

"Siya na ba 'yan?"

Naririnig ko ang mga hiyawan ng mga kaklase ko at iba lang kasali sa ceremony habang isa isa silang nagsitinginan sa labas ng hall.

Oo, nag-aral ako ulit ng Business Management dito sa lugar namin sa Batangas. Naisip ko lang kasi na mas makakatulong ako kina mommy kung mag-aaral ako ng business management dahil may pinundar sila na mini grocery store sa lugar namin. I thought na kaya kung palaguin iyon pag makagraduate ako sa ganitong kurso.

First year college ako ulit. It's not like, ayaw ko na ang pagluluto. It is still my passion, but I think, I have to take this course para makatulong kina mommy at daddy.

Ngayon ay Graduation Ceremony na ng mga gagraduate at invited kaming mga topnotchers para ireceive ang aming medal and certificate.

"Tin! Halika! Tingin rin tayo!" Pilit akong hinihila ng kaibigan kong si Claire palabas ng hall para makita ang speaker. I just shrugged. Makikita ko rin din naman siya mamaya.

"Sige na! Halika na! Kakain pa kasi 'yon eh. Matagal tagal pa bago natin siya makita mamaya." Dagdag pa nito.

Oo nga pala. Napaaga kami rito sa venue. Sabik lang ata talaga kami. Kararating lang ng speaker at didiretso pa ito sa School President's Hall para kumain.

"Please." Inilapat niya ang dalawang kamay at nagpacute sa harapan ko.

I sighed. Tumayo ako at sumama sa kanya. Maraming tao sa labas na para bang may rally. Hinila pa ako ng kaibigan ko at ipinagsiksikan ang sarili namin sa napakaraming tao hanggang nakita na namin ang speaker. Nakangiti ito sa mga tao at nakatalikod ito sa amin.

Laking gulat ko nang humarap ito. Si Jeff! Sigaw ko sa isip ko. Si Jeff ang speaker namin. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Hinahabol ko ang aking hininga dahil sa kaba. Naramdaman ko rin ang panginginig ng aking mga tuhod. Diyos ko. Bakit ko pa ba siya nakita ulit? Bakit ngayon pa?

The last time I remembered him ay no'ng ipinagtabuyan niya ako at hindi siya naniwala na pinatay ni Janine ang anak namin. Miss na miss ko narin si Nik-Nik. Sinubukan ko noon na pumunta sa bahay nila upang makita si Nik-Nik ngunit napanghihinaan ako ng loob. I looked around him at baka dala niya ang bata ngunit wala.

Hindi niya ako makikita dahil napakaraming tao dito. Sigurado akong himala nalang kung makikita niya pa ako.

Humarap sa akin si Claire at tinapik ako sa abaga. "Oh? Nga nga ka? Ang gwapo noh? Himala nalang siguro kung magkakagusto 'yan sa atin."

Ngumiti ako sa kanya. Akin 'yan, noon. Kung alam mo lang. Napabuntong hininga ako.

Jeff

"...thank you so much for this privilege and once again, congratulations graduates!"

Tapos na akong magbigay ng aking speech. After that, they gave me a plaque of recognition and they requested me to go infront para tumulong sa distribution of cards and medals para sa mga undergraduate topnotchers.

"For the Business Management Topnotchers. Let us call on Dr. Arroyo Lim for the awards." Usal ng emcee.

Pumunta sa harapan si Dr. Lim, Chairman yata ng Business Management department at nagsimulang tawagin ang mga topnotchers.

"For University Scholars, Angelique Marie L. Villaforte for having obtained a general weighted average of, 1.37."

Lumakad ito papunta sa stage at kinuha ang kanyang award sabay nakipagkamay sa amin.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon