Kabanata 1

21.5K 326 14
                                    

Kristina

          Animo'y binuhusan ako ng isang palangganang yelo sa aking narinig galing sa aking ina. Katatawag lamang niya at ipinaalam sa akin na nasa lubhang kondisyon ang aking ama. Hindi ko na alam ang gagawin sapagka't nag-aaral pa ako at hindi ako makauwi sa amin dahil wala akong pamasahe pauwi balak ko sanang manghiram sa aking mga kaibigan ngunit napag-isipan kong maghanap na lamang ng part time job dito upang makapadala ng pera sa kanila, kaysa naman umuwi ako at bantayan lamang si daddy. Mas malaki ang aking maitutulong pag humanap na lamang ako ng trabaho rito at tumulong sa mga gastusin para sa pagpapagamot ng aking ama.

          Ako nga pala si Kristina Randa Lopez, nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. Taga Batangas ako pero sa Manila ako nag-aaral. Culinary Arts ang kinuha kong kurso dahil gusto kong maging isang chef at gumawa ng iba't ibang kakaibang pagkain para sa lahat lalong lalo na sa mga mahal ko sa buhay. Hindi ko inaakala na darating ang ganitong sitwasyon sa aming buhay sapagka't manager ng isang kompanya ang aking ama at malaki ang kanyang sahod, ngunit nalugi ang kompanyang ito hanggang umabot na sa bankrupcy. Sabi ng aking ina ay malubha na raw ang diabetes nito at may posibilidad pa na maputol ang dalawang paa niya kaya naman kailangan niya sumuong sa iba't ibang medikasyon. Hindi na ako nag aksaya pa ng panahon na maghanap ng part time job upang makatulong sa mga gastusin.

Nag-aaral ako sa umaga at nagtatrabaho naman sa gabi bilang isang call center agent. Alam kong kulang pa ang aking sahod para idagdag sa gastusin sa pagpapagamot ng aking ama, kailangan ko ring kunin rito ang aking pangangailangan sa eskwelahan, ngunit kailangan kong mag tiyaga at alam kong darating din ang panahon na makakahanap ako ng trabahong mas malaki ang sahod.

"Kristina!" Tawag sa akin ni Sandra, ang aking dakilang kaibigan. Kakatapos lamang ng aming klase at nandito na kami sa dorm upang maghanda na papunta sa aming trabaho.

"Oh? Punta na tayo?" Tanong ko habang nag aayos sa sarili.

"Oppps friend. Basahin mo ito dali! Dali!" Tili niya habang inilalapag sa lamesa ko ang isang dyaryo.

Nahagip ng aking mga mata ang nakalagay sa itaas na parte ng dyaryo. HEADLINES: The H Company, wanting to help students to finish schooling by offering a part time job at their company.

Animo'y lalabas ang mga mata ko sa aking nakita. Tiningnan ko rin ang guidelines at ang mga benepisyo na maaari naming matanggap. Ang taas pa ng sahod. Tamang tama ito upang agad akong makapagpadala ng malaking pera kina mama. Hindi rin maaapektuhan ang pag-aaral ko sa pagka'may night shift ito at siguro ay makakapasa naman ako sa qualifications nila. Matataas naman ang mga marka ko at willing akong magpakapuyat para rito.

Kinabukasan ay agad kaming nagtungo sa nasabing kompanya. Pagpasok ko ay saka ko pa nalaman na isang publishing company pala ito. Dinala kami ng isang babaeng nakasuot ng formal dress, siguro ay employer ito rito, sa ninth floor ng building.

Pagdating namin sa ninth floor ay halos mahilo ako nang makita ang napakaraming estudyante. Napabuntong hininga ako. Siguro ay mamayang hapon pa kami ma-i-interview ng aking kaibigan.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako hanggang pinikpik ako ni Sandra at sinabing ako na ang susunod. Alas dyes na pala at saka pa ako natawag mabuti naman at hindi kami aabutin ng hapon dito.

"Ms. Kristina Randa Lopez." Tawag sa akin ng sa tingin ko ay kanyang sekretarya.

Agad akong tumayo at tumungo sa pintuan. Napalunok ako ng makita ang napakalaking opisina ng may-ari ng kompanya, animo'y isang condo unit.

Nakayuko ito at abala sa mga paper works. Hindi man lang nito namalayan na nakapasok na ako. Lumapit ako sa lamesa niya at umupo sa upuan na nasa harap nito.

"Good morning po." Bati ko sa kanya.

Tumaas ang ulo niya at tinitigan ako na para bang iniinspection pati kaluluwa ko. Kasali ba ito sa mga dapat naming lagpasan upang maging qualified sa pagtatrabaho rito? Ang kayanin ang mga titig niya tagos kaluluwa?


Jeff

          I cleared my throat at sinubukang hanapin muli ang aking sarili. I just can't believe an angel just went inside my office and here she is sitting infront of me. She got this thick eyelashes, red lips and rosy cheeks. Nakasuot lamang ito ng simpleng shirt at jeans ngunit hindi parin maitatago na may maganda itong katawan. I blinked my eyes three times at muling tiningnan ang resume niya.

          "So? You are Kristina Randa Lopez?"

          "O-Opo sir." Mapait ang ngiti nito siguro ay nailang ito sa nagawa kong pagtitig sa kanya.

          "Why do you need this part time job?"

          Napayuko siya at muling tumingin sa akin. "K-Kasi po, a-uhm." Utal utal na sagot niya while playing with her fingers. She's such a baby.

          "C'mon darling, don't be shy." I grinned.

          Bumuntong hininga ito. "May sakit po kasi ang papa ko, kailangan ko pong tumulong sa mga gastusin, ayoko naman pong tumigil sa pag-aaral kaya naman napagdesisyunan kong mag-apply rito, mataas po kasi ang sahod."

Sandali akong natigil sa sagot niya. Agad akong humanga sa determinasyon na taglay nito at sa lakas ng loob niya. Pagkatapos niya akong sagutin ay inikot niya ang kanyang mga mata sa paligid. Tahimik na nagmasid masid ito.

Muling tumingin ito sa akin. "Ang laki naman ho ng opisina ninyo. Dito ho ba kayo natutulog?" Inosenteng tanong niya.

Muntik akong matawa sa obserbasyon niya. I shook my head. "No, I just want a big space. Ayaw ko ng mga lugar na sobrang masikip." I explained. "You got good grades." I added habang tinitingnan muli ang kanyang resume.

"Salamat po."

"You're hired."

Nagulat siya sa sagot ko at napalunok. "A-ano po?"

"You're hired." Ulit ko.

"S-Salamat po, maraming salamat po sir."

"Sa isang kondisyon." Tumaas ang isang sulok ng aking labi at naramdaman ko na bigla siyang natakot sa sagot ko.


Kristina

"Wow? Talaga hired ka agad? Eh yung iba nga ay kailangan pa ng second screening." Hindi makapaniwala si Sandra sa sinabi ko sa kanya. Nalulungkot ako dahil hindi ito qualified para sa trabaho ngunit alam ko naman na tamang tama na para sa kanya ang sahod doon sa call center sapagka't wala naman itong problema.

Nakaabot na kami sa dorm at magkatabing nakahiga sa kama. "Oo, sa isang kondisyon daw."

"Ano?" Nakakabinging tanong niya. "Baka naman gusto kang ikama niyan ha. Pero, kung ako lang, okay lang. Sobrang gwapo naman ni sir eh, tapos ang katawan? Oh my gosh! Yummmmmmmyyyyy!" Nanggigigil na sagot niya.

Inaamin kong gwapo nga ito, nangungusap ang mga mata nito, ang tangos ng ilong, mapula ang labi at sa tingin ko lahat ng mga babae gustong makulong sa mga bisig niya pero hindi ko naman siya gusto. May appeal lang siya ngunit totoong wala talaga akong gusto sa kanya.

"Sabi niya, lutuan ko raw siya ng ulam every dinner since night shift daw ako."

Napahawak ito sa dibdib niya at bumuntong hininga. "Akala ko naman ano na." Nakangising sagot nito. "Mabait pala si sir noh? Akala ko strict siya." Namumulang dagdag niya.

"May gusto ka sa kanya noh?"

"Oo naman, sino bang hindi magkakagusto ro'n. Eh ba't ikaw? Wala ka bang gusto sa kanya?" Nakataas ang isang kilay nito.

"Wala."

"Talk to my hand girl."

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon