Kabanata 24

5.9K 132 10
                                    

Jeff

The police called me at sinabihan ako na bumalik na sa bahay. Agad naman ako nagtungo do'n kasama ang pag-asa na baka nakahanap na sila ng kahit konti man lang na clue kung sino ang may gawa ng mga ito.

"Sir, may mga tanong po kami." Sinalubong ako ng isang police na may dalang maliit na notebook at lapis.

"Tanong? Nawawala ang asawa ko may panahon pa kayo para mag tanong? What the! Kung ang oras niyo sa pagtatanong, ihanap niyo na lang 'yan sa asawa ko! Siguro ngayon nakita na natin siya!" Sinipa ko ang mga librong nagkalat sa sahig ng kwarto namin. Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Nik-Nik.

I looked at her at nakita ko sa mga mukha nito ang takot. I should not act like this around her mas lalo ko lang siyang tinatakot. Kinarga ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Sir, kalma lang po, kailangan po naming makakuha ng ibang impormasyon galing sa inyo para mas mapadali ang paghahanap." Pagpapaliwanag nito.

I calmed myself. "Sorry. I-I just don't understand myself anymore." Napapikit ako ng mariin.

I massaged my forehead while anwering their questions. Si Nik-Nik nakatulog na sa sofa, I stared at her. May luha sa gilid ng mata nito at do'n ko narealize na kailangan kong nang ipaalam ito sa pamilya ni Kristina. Alam ko kasing ang magpapahawi sa lungkot ng bata ay ang lolo't lola nito. Ngunit nagdalawang isip ako. My mind is very crowded I can't think well.

Nagpatuloy ang paghahanap kay Kristina. Hindi ako natulog. I want to join the police pero hindi sila pumayag.

Palakad lakad ako buong gabi hanggang sa nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa pamilya ni Kristina ang mga pangyayari.

"Hello, hijo? Napatawag ka?" Sagot ng mommy ni Kristina.

Hindi ako agad umimik. I inhaled deeply. "Ma, n-nawawala ho si K-Kristina." Mahinang sabi ko. I felt my eyes watering again. Pakiramdam ko mauubos na ang luha ko kakaiyak.

"Ha? Ano'ng ibig sabihin mong nawawala?"

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin.

"Hijo?"

Hindi parin ako nakasagot.

"Papunta na kami riyan!" Agad na sabi nito. Damn! Why am I such a coward?

Irresponsible, coward, shit! Ano pa? Napaupo ako sa kama, hinilamos ko ang mukha ko. I looked at Nik-Nik sleeping beside me. I felt like crying again. I miss Kristina so much...and our baby needs her.

I looked at my cellphone, I saw Tin on my wallpaper. Napakasaya nito. Ano kaya ang nangyayari sa kanya ngayon? I felt the urge na pumunta na naman muli sa police station. Hindi ako mapakali every second.

"I never thought na mangyayari ito! Ipinakasal namin ang anak namin sa'yo dahil alam namin na we can trust you! Pero, ito? Ito lang pala ang mangyayari!" Bulyaw sa akin ng mama ni Kristina. Nasa police station kami ngayon at karga karga niya si Nik-Nik.

Tumayo ang asawa niya at pinakalma ito. "Umupo ka muna."

"Umupo? Makakaupo pa ba ako sa sitwasyong to Federico? Ang anak natin nawawala! Paano pag di' na siya mahanap?" Palakad lakad ito sa harapan nito.

"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan Loisa. Mahahanap siya. Manalig lang tayo sa Diyos."

"At wala kang sasabihin sa lalaking to? Palibhasa paborito mo siya!" Tinuro niya ako na nakaupo rin sa tabi ng asawa niya.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon