Kabanata 10

9.1K 184 7
                                    

Kristina

He took me by the hand at sabay kaming umalis sa seventh floor. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, ang alam ko lang ay sigurado akong secured ako kung kasama ko siya. Itinaas ko ang aking ulo upang makita ang kanyang mukha, napakatigas ng ekspresyon nito. Nakahawak ito sa aking kamay ngunit nakatingin lamang ito sa pintuan ng elevator.

"Pasensya na po," mahinang sagot ko.

"What?" He cocked his eyebrows at tumingin sa akin.

"Pasensya na po at naging pabigat na naman ako sa inyo." Sagot ko ngunit hindi ko parin siya tinitingnan sa kanyang mukha.

"Look at me." He said authoritatively.

Agad akong sumunod sa sinabi niya. Ang blanko niyang ekspresyon kanina ay napalitan ng maamong mukha. He took a deep breath.

"It wasn't anyones fault. Hindi mo kasalanan na niyaya kita sa bakasyon at hindi ko rin kasalanan na niyaya kita. Puso ko ang nagdidikta, I can't even stop it. Never in my life na hinayaan kong diktahan ng puso ko ang isip ko. But I can't resist Kristina Randa Lopez." He grinned. Kumunot muli ang noo niya habang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. "Such a cry baby. Be strong." He added.

"A-Asan po ba tayo pupunta?" I asked.

"Somewhere down the road." He playfully answered.

"Bro, akala namin hindi ka pupunta dahil busy ka sa kompanya." Ani ng isang lalaking kasing tangkad ni Jeff. Mukha itong half dahil sa porma ng mukha nito.

"Well, I'm here now."

"And, you've got someone with you. Mind introducing us to her?" Sambat naman ng isang lalaking maypagka blonde ang buhok at may pilyong ngiti.

Ngayon ko lamang nabatid na halos mga lalaki pala ang nandito. May mga babae rin naman ngunit sigurado akong date nila ang mga ito.

Nasa bahay kami ngayon ng kaibigan niya, may party daw kasing magaganap. Sabi niya engagement party daw. Halos mga kaklase niya noong kolehiyo raw ang nandito lalong lalo na ang mga barkada niya.

Malaki ang bahay, black and white ang theme nito. Para ngang nasa party kami ng isang illuminati eh, napakadark at parang misteryoso. Never mind.

"Yes, this is Kristina Randa Lopez."                  

"Wait. Wait. Krrrrrristina Rrrrranda Lopez? Your face sounds familiarrrr..." Lumapit naman ang isa niya pang kaibigan na may dalang wine. Matangkad din ito at may mustache na para bang katulad noong mga french model. Haaay naku. Ano ba itong mga barkada niya parang kasing amoy at kasing tangkad niya lang ah.

"Yes Mike. Kristina Randa Lopez." Ulit ni sir.

"Is she--" May idadagdag pa sana si Mike ngunit agad na itong pinutol ni sir.

"Mike! Yes, darling he's Mike and this is Ephraim," turo niya sa lalaking unang sumalubong sa kanya kanina. He waved his hands at inabot ito sa akin, shake hands daw.

"Hi Kristina." Pormal na bati nito.

"This is Rafael," turo niya naman sa lalaking blonde ang buhok.

He kissed the back of my hand. "Bonjour Kristina." Bati niya.

"Darling, gusto mo bang kausapin ang mga girlfriends nila, nandoon sila sa kusina." Nakangiting sabi niya sa akin.

"A-Uhm, nakakahiya naman. Mukhang mga s-sosyal eh."

"Kristina, they are good persons. I mean, some. Just try. You'll get along with them." Ani ni Mike.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon