Kabanata 36

5.3K 99 3
                                    

Jeff

Nakahiga ako sa hospital. My eyesight are blurry. Hindi ako sigurado kung totoo ba itong nakikita ko sa tabi ko, si Kristina. She's holding my hand at umiiyak ito.

"Jeff, please, wake up." Sabi nito. I wanted to touch her face. I wanted to tell her that I'm fine pero hindi ko maigalaw ang kanang kamay ko. I tried to reach for her ngunit mas lalo pang lumabo ang paningin ko hanggang tuluyan na itong dumilim.

"Jeff..."

Nagising ako sa tinig ng isang babae ko sa tabi ko. I thought it was true na nasa tabi ko si Kristina ngunit panaginip lang pala ang mga iyon. Ang totoo lamang do'n ay may babae sa tabi ko, ngunit hindi ito si Kristina kundi si Janine.

"Jeff?" Muling usal nito habang nakatingin sa akin. Lumaki ang dalawang mata nito nang magising ako. Halatang excited ito sa aking pag gising.

"Nurse! Nurse!" Agad itong tumayo sa kinauupuan niya at tumakbo sa labas.

Pagbalik niya ay kasama niya na ang nurse at doktor na umaasikaso sa akin.

He checked me up at halatang okay naman ang kondisyon ko dahil nakangiti lamang ang doktor ko.

"You're fine. You collapsed because of severe depression and stress. You just have to give time for yourself to rest and stop thinking about things that worry you. Okay?" Nakangiting sabi nito sa akin. "You need to take some meds too. Binigay ko na ang reseta sa girlfriend mo." Tumingin ito kay Janine.

Napayuko ito. "He's just my friend." Nahihiyang sagot ni Janine.

Tumango lamang ito at tumungo nasa labas upang bisitahin ang ibang pasyente nito.

Napalunok ako. I looked at Janine beside me. Nakayuko parin ito.

I'm glad na kahit nasaktan ko ang damdamin ni Janine ay nandito parin siya para sa akin. I just smiled at that thought.

"Pinuntahan muna ni Kael si Ella. Si Rio naman ay may binili lang sa labas." Sabi nito kahit hindi naman ako nagtanong.

"Salamat Janine ha?"

She looked at me. "Nag-alala ako sa'yo, Jeff." Her eyes began to water.

I just smiled at her at tumingin ako sa bintana sa tabi ko. Si Kristina parin ang nasa isip ko hanggang ngayon. I don't want to let her go that easily. Pero siya na ang bumitaw. Hindi ko siya mapipilit na mahalin ako ulit. I just have to set her free, para maging masaya siya.

Tumulo na naman ang luha sa mga mata ko. Thinking of her brings pain to my heart. Naalala ko rin si Nik-Nik, kukunin ko na siya sa mga magulang ni Kristina ngayon sa ayaw o sa gusto nila. Kahit pa anong mangyari, kukunin ko ang anak ko sa kanila.

"Jeff, huwag ka ng umiyak. Kung iiyak ka, please talk to me naman. Mas lalo akong nag-aalala na hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo." She held my hand.

I looked at her. "Please don't worry Nine. Kaya ko 'to." I gave her a smile.

"Huwag ka na munang pumasok sa kompanya bukas ha? Magpahinga ka muna, please."

Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagkabahala. Somehow, having her beside me made me feel safe. I inhaled deeply.

Kristina

"Enrick, no, please."

Nakahiga na kami ngayon sa kama. Pagdating niya sa trabaho ay agad itong nagbihis at tumabi sa akin. He hugged me from the back at hinalikan ako sa leeg. I felt disgust! I just want him to stop or else mapipilitan akong matulog sa kabilang kwarto.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon