Wakas

15K 269 52
                                    

WARNING: SPG, please do not read the love making scene if you're 19 years old and below.

Jeff

Isa sa pangarap ko ay maikasal muli sa babaeng mahal ko. Now, seeing her walking in the aisle in her white gown makes me feel so satisfied, again. After all the trials that we've been through, we saw each other again and found ourselves still in love. I prayed for this moment to happen and God did grant my wish.

I smiled at her. Kasama niya ang mga magulang niyang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. Born for you parin ang pinili niyang kanta dahil aniya para talaga siya sa akin at ako naman sa kanya.

Inabot sa akin ng daddy niya ang kanya kamay. Hinawakan ko ito ng marahan. Maluhaluha ang mga mata nito.

"Beautiful, as always." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa altar.

Hindi ito sumagot. I just felt her hands na sobrang ginaw. Siguro ay kinakabahan ito, ngunit nakangiti naman siya.

Hawak kamay kaming humarap kay father at binitawan ang mga salitang, I DO.

Ang mga salitang panghabang buhay kong dadalhin sa puso ko dahil nakapaloob sa salitang iyon ang pangako namin sa isa't isa na hindi kami mag-iiwanan sa kasayahan man o kalungkutan or even in sweat and in blood.

"You may now kiss the bride." Ani ng pare.

Bago ko paman siya nahalikan ay napatawa muna ako sa sinabi niya sa akin.

"Paborito mo talaga ang parteng ito," aniya habang nakangiti.

Agad na kaming dumiretso sa venue. Nasa garden ang setting namin at syempre flowery din ang theme ng bawat design. Ito ang gusto ng reyna ko kaya dapat sundin ito ng hari. I hired the most popular designer para sa venue.

Sumunod dito ang mga bisita namin. Sina Enrick, Janine, mga kaibigan namin ni Kristina at syempre ang kanyang mga magulang.

Habang nakikipag-usap ako sa isang employee ko ay biglang lumapit sa akin si Rio. Binaling ko muna ang attensyon ko sa kaibigan. Sandali namang nag-excuse sa akin ang aking kausap kanina.

"Bro, congrats! Una na ako, ha?" Sabi nito sa akin habang inilalagay ang mga kamay sa bulsa.

Napakunot ang noo ko. "Why in a hurry?"

Hinanap ng mga mata ko si Ephraim dahil sa tingin ko ay dahil na naman sa kanya ang pag-uwi ng maaga ni Rio. I found Ephraim na kanina pa nakatitig kay Rio na animo'y kakain na nang kuting. Ano na naman kaya ang problema ng dalawa?

On the other hand, masaya ako at nag-uusap na si Kael at Rafael kahit may alitan ang dalawa noon. They seem so happy talking to each other. Nagtatawanan pa nga ang mga ito, just like the usual. Sila naman kasi talaga yung pinaka close sa aming magbabarkada. Finally, nagkabati narin.

Ang problema nalang ngayon ay si Rio at Ephraim na parang may bagong alitan na naman. Hindi naman kami close kay Rio noon dahil ahead siya sa amin ng one year ngunit nag-uusap kaming dalawa paminsan minsan. Si Ephraim naman ay transferee at siya ang pinakamatanda sa aming magbabarkada. Madali lang namin naging kaibigan si Ephraim dahil mabait ito. Hindi ko nga lang alam kung bakit pagdating kay Rio ay napakatigas nito. May alitan sila noon akala ko ay resolved na, but now, sa mga inaasal nila, I think hindi pa. Grabi naman ang mga ito! Pati ba naman sa kasal ko ganito parin? Sana naman kalimutan muna nila iyan kahit ngayon lang.

"Hindi pa pala kayo nagkakaayos ni Ephraim?" Agad na sagot ko dahil alam ko na iniiwasan niya lang ito kaya gusto niya nang umuwi.

He sighed. "Hindi ko alam kung ano'ng problema niya. You should talk to your friend. Masyado siyang aggressive." Sabi nito.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon