Kabanata 41

6K 115 16
                                    

Kristina

Pag gising ko, nakahiga parin ako sa kama ng hospital. Akala ko ay nanaginip lamang ako. But I was wrong. Pumasok ang doktor sa silid at suot nito ang napakalungkot na aura sa kanyang mukha.

Napalunok ako. "D-Doc?" Nanginginig ang boses ko.

Hindi ito nakasagot agad. He sighed at yumuko ito. Muli niyang itinaas ang kanyang ulo at tumingin ito sa akin. "Wala na ang baby mo. I'm sorry, miss."

Napaawang ako. Parang piniga ang puso ko sa aking narining. Wala na ang anak ko? Ano ang rason? Ano? Wala naman akong ginawa para makunan ako ah. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako halos makahinga. Ang nurse na nasa likuran niya ay agad akong nilapitan at hinagod ang aking likod.

"Doc, w-wala naman pong rason para makunan ako. Wala naman akong g-ginawa." Sabi ko sa kanya habang umiiyak.

Napatitig ito sa akin sandali na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya. "But, in my records of you, uminom o nakainom ka ng Cytotec. A kind of drug that can cause abortion."

Agad akong napailing at humagulhol. "H-Hindi! Hindi ko magagawa 'yan sa anak ko! Mahal ko ang anak ko!"

"Can you remember anyone? Na may pinainom o pinakain sa'yo?"

When the doctor asked me that. Isa lang ang taong pumasok sa isipan ko, si Janine. Pagkatapos niya akong pinainom ng tubig, ilang minuto ang lumipas pag-alis niya ay agad sumakit ang tiyan ko. Hindi ako nagkakamali. Sigurado akong siya. Wala akong ibang kinain o ininom ngayong araw. Sa totoo lang, hindi pa nga ako nag agahan simula dahil sobrang excited akong makita si Jeff.

I gritted my teeth. Sasabihin ko kay Jeff ang lahat bukas na bukas rin. Makinig man siya o hindi, magsasalita ako. Paalisin niya man ako, titigasan ko ang sarili, hindi ako aalis! Magsasalita ako. Tumutulo ang mga luha ko sa aking mga mata. Magbabayad si Janine sa ginawa niya sa anak ko. Pati ang bata dinamay niya pa. Wala siyang awa. Gustong gusto kong magwala ngunit nanigas na ako. Humagulhol lang ako ng humagulhol.

Jeff

Inom ako ng inom ng tubig. I just want to calm myself. Ipinatuloy ko na ang trabaho ko para matapos na. Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko. I saw Janine, nakangiti ito papunta sa akin.

"Babe, ba't bumalik ka?" I asked.

Nagpatuloy ito sa paglakad papunta sa akin. Agad niya akong hinalikan sa labi nang umabot siya sa akin. Napatayo ako.

"Hey, what's happening to you?" I asked habang nakangiti.

She stared at me. "Naiwan ko phone ko. Kukunin ko lang sana." She immediately answered.

I grabbed her phone from my table at inabot ito sa kanya. "Here it is, babe."

Kinuha niya ito at muli akong tinitigan sa mga mata. "Jeff, mahal mo naman ako, diba?" She held my cheeks.

I nodded. "Of course, I love you." Hinawi ko ang buhok na nakatabon sa mukha niya.

"Make love to me without using any protection." Agad na sabi nito sa akin na lubos kong ikinagulat.

Napalunok ako. "W-What do you mean?"

"Gusto ko nang mabuntis." Agad na sagot nito.

I paused for a while. Ano'ng isasagot ko? Hindi pa ako fully nakakamove on kay Kristina lalong lalo na ngayon na nagpakita siya sa akin kanina. "Babe." I held her cheeks. "Ayaw ko pa munang sundan si Nik-Nik, medyo matagal rin siyang nawalay sa akin kailangan ko pa munang ibigay sa kanya lang muna ang attention ko at sa'yo din, diba? Tapos, we're not married yet."

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon