Kabanata 30

6.1K 125 4
                                    

Kristina

Nang umabot na kami sa dakilang tree house ni Tarzan, hindi ko alam kung paano ako aakyat sa hagdanan. Natatakot din kasi ako kasi ang hagdanan ay sinampig lamang. Paano pag biglang humiwalay ito pag akyat ko, eh di katapusan ko na?

I looked at him na kanina pa nakatitig sa akin. Ito na ba? Gagahasain niya na ba ako? I inhaled deeply. Tulungan niyo ako.

He crossed his arms. "Diyan ka lang ha? Pupunta na ako sa itaas." Sabi nito at akmang aakyat na.

I can't stay here. Gabi na, kahit pa naman tumakbo ako muli palayo, hindi ko na nakikita ang daan at baka mas lalo pa akong mapahamak. Baka may mga mababangis na hayop diyan sa tabi tabi. Napalunok ako.

"W-Wait." Utal na utal na sabi ko sa kanya.

Hindi na ako nagpaalam, agad akong sumakay sa likod niya. He chuckled. Hinawakan niya ang magkabilang legs ko at mas iniangat niya pa ako upang sigurado na hindi ako mahulog.

"Kapit ka ng mabuti." He said at umakyat na ng dahan dahan. Dahil sa takot ko umakap ako sa kanya ng mahigpit habang nakapikit ang aking mga mata.

Pagdating namin sa itaas, he turned on the light. May munting light bulb ang tree house na nakasabit sa bobong nito.

"Umupo ka muna sa higaan at gagamutin natin 'yang sugat mo sa paa." Sabi nito at tumungo sa lamesa, may kinuha siya roon.

Umupo ako. Lumapit siya sa akin dala ang tatlong stick ng malunggay at pinunit na damit. A-Anong gagawin niya? Napalunok ako.

Habang papalapit siya ay dahan dahan din akong umaatras. Nang makalapit ito ay hinila niya ang aking paa ng malakas dahilan para muntik akong mapayakap sa kanya. Agad kong inayos ang pagkakaupo ko.

Tinitigan niya ako ng malalim. "How many times do I have to tell you na wala akong gagawing masama sa'yo?" Madiin ang boses nito.

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko mapigilang mapaluha dahil sa takot. "S-Sino ba naman ang hindi matatakot nitong pinangagawa mo?" Mahinang sagot ko.

Hindi siya umimik. Patuloy lamang siya sa piga sa dahoon ng malunggay sa sugat ko.

"Isasahog ko sana ito sa isda, kaso lang, mas kailangan mo ito para sa sugat mo. Bukas na bukas kailangang ibabad mo ito sa dagat para mas madaling gumaling." Biglang nagbago ang tono ng boses niya, kumalma ito.

"Iuwi mo na ako." I looked at him teary eyed.

He sighed. "I don't want to be away from you Kristina." He held my hands.

Babawiin ko sana ang mga kamay ko ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak nito. "Bakit? Ka ano ano ba talaga kita?"

"Sinabihan na kita na ako ang totoong asawa mo, you just laughed at me."

Kinuha ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya at hinilamos ko ang mukha ko. "I want proof. Show me proofs!" Bulyaw ko habang umiiyak.

"I can't show you now. I want you to remember me but I want to take this slow. I will but not now, okay?" He held my cheeks.

"I can't believe this." I shook my head.

Pagkatapos niyang gamutin ang sugat ko, agad akong pumwesto para matulog na. Hindi ko na maintindihan ang lahat. I just want to rest right now.

"Lulutuin ko pa itong isda, ayaw mo bang kumain?" Nakaupo parin siya sa sahig. Tumalikod ako sa kanya.

"Hindi na ako gutom." Tanging sagot ko.

Bigla nalang siyang tumabi sa akin sa higaan. Hinila niya ako papalapit sa kanya.

Hindi ako makapaniwala sa naramdaman ko, his warmth somehow lessen the sadness and anger I felt. Para bang my body is longing for his touch for a very long time at ngayon na niyayakap niya ako ng mahigpit, I felt satisfaction.

Instead na lumayo ako at tanggalin ang kamay niya sa pagkakayakap sa akin, hinayaan ko lang siya. Napapikit ako nang inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko. Iba ang naramdaman ko. Ibang iba. I just let him there.

Jeff

Ayaw kong biglain si Kristina dahil alam kong mahirap rin para sa kanya ang lahat.

Mahal na mahal ko siya. Miss na miss ko na ang ganito. Niyayakap ko siya at amoy na amoy ko ang bango ng buhok at leeg niya.

Idinikit ko pa ang ulo ko sa leeg niya at hinayaan niya lang akong gawin iyon.

Nagising ako sa tunog ng isdang piniprito at sa amoy narin nito. Biglang kumulo ang tiyan ko. Nakapikit parin ang mga mata ko, akala ko panaginip lang pero ng ibuka ko ang mga mata ko, wala na si Kristina sa tabi ko. I felt very happy nang Makita ko siyang nagluluto para sa aming agahan. Lumapit ako sa kanya.

"Jeff Nicholas Harris." Nagulat ako nang tawagan niya ako sa tunay kong pangalan.

Humarap ito sa akin. "You're Jeff Nicholas, right?" Dagdag niya pa.

Napatitig ako sa kanya. "Yes, I am."

I heard her sigh. "Tell me the truth. Ano 'yang marriage certificate na nakita ko sa isang box sa ilalim ng higaan?" Nanginginig ang boses nito.

Lumingon ako sa likuran. Nakita kong nagkalat ang mga papeles galing sa box na dinala ko dito sa tree house. Nandiyan ang mga patunay na ikinasal kami. Mga patunay na akin siya. Ipapakita ko naman 'yan sa kanya eh kaso naunahan niya ako.

Muli akong tumingin sa kanya. "You're my wife. Ilang ulit ko ng sinabi sa'yo yan mahal." Hinawakan ko ang pisngi niya.

She just let me and that amazed me. Hindi niya tinapik palayo ang kamay ko. "H-Hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko." Umiyak ito.

Niyakap ko siya. "Tutulungan kitang maalala ako mahal. Huwag kang mag-alala." Hinaplos ko ang ulo niya.

Kristina

I do not know what to believe nang makita ko ang marriage certificate namin. Mas nauna kaming ikinasal at sigurado akong hindi ito gawa gawa lamang. I have this instinct. I have to help myself.

Napaisip din ako kagabi. Noon, nagising nalang ako isang araw na wala akong maalala, ni hindi ko alam na kasal pala ako kay Enrick, na hindi ko rin naman kilala. But my parents told me na asawa ko siya and they showed me proofs. May amnesia raw ako sabi nila dahil nabundol ako ng isang sasakyan. Naniwala ako dahil mga magulang ko sila, hindi sila magsisinungaling sa akin. But I still lived life with doubts. Marami akong tanong. Nag mahalan ba talaga kami ni Enrick noon nang hindi pa ako na amnesia? Wala kasi akong nararamdaman para sa kanya. Pinipilit ko lamang ang sarili ko dahil sobrang mahal niya ako. Oo, mahal na mahal ako ni Enrick ngunit wala akong nararamdaman para sa kanya. Naisip ko noon na baka dala ito ng amnesia ko.

Pero ngayon, ang nakikita ko sa harapan ko ay ang taong nagsasabing asawa ko daw rin siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako. Ngunit iba ang nararamdaman ko lalong lalo na paghinahawakan niya ako. I know right from that very moment na mahuhulog rin ang loob ko sa kanya. I feel so secured around him. Iba ang nararamdaman ko para sa kanya. I even feel different nang una ko siyang makita. Pakiramdam ko may connection kaming dalawa.

I have to know the truth. I have to give him a chance because some parts of me wanted to believe him. I have to give Jeff a chance na ipakita sa akin na asawa ko siya at maaaring ito rin ang magsilbing susi upang malaman ko ang totoo tungkol sa amin ni Enrick.

Nakayakap parin siya sa akin ngayon. I feel so warm. His scent is very familiar. Jeff, I'll give you a chance. A chance.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon