Kabanata 23

6.7K 153 4
                                    

Kristina

"Mommy, open candy." Nagluluto ako ngayon sa kusina. Ilang weeks narin ang lumipas simula noong nakauwi si Jeff. Nasa trabaho pa ito ngayon. Nagluto na ako ng ulam para pag-uwi niya ay agad na siya makakain.

Iniabot sa akin ni Nik-Nik ang paborito niyang candy. Masyadong ini-spoil ni Jeff si baby at binibilhan niya ito kahit ano'ng gusto.

"Baby, ano'ng sabi ni mommy kanina?"

"No eat candy." She pouted her lips.

I smiled at her at kinarga siya. "Yes, tama. Kumain ka na ng dalawa kanina. Tama na 'yon ha?"

"Ikaw nalang eat candy mommy." She smiled at me at inabot ang dala niyang candy.

"Ayaw ko kasi bad for?"

"Bad for health." Sagot nito.

Mabait na bata si Nik-Nik. Kung sasabihan mo na huwag ay nakikinig ito agad. Yun nga lang pagsinusumpong, iyak dito, iyak do'n. Pero tumatahan naman agad, konting lambing lang, okay na agad siya.

"Baby ko!" Pumasok na si Jeff sa pintuan. Ibinaba ko si Nik-Nik at agad itong tumakbo papunta sa daddy niya.

"Daddy!" Nagpakarga ito kay Jeff saka hinalikan siya sa pisngi.

"Hmm. Ang bango rito ah?" Sabi niya habang papalapit sa akin.

I looked at him. "Malapit na itong maluto. Gutom ka na ba?" I touched his face.

He shook his head. "Not yet." He smiled.

"Pinakain ko na si Nik-Nik baka kasi magutom." I said habang naghahanda na sa lamesa. Nakaupo lamang sila sa upuan ng kusina.

"Ano'ng ulam mo baby?" Tanong ni Jeff.

"Ham." She answered habang naglalaro ng barbie na bagong bili ni Jeff para sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko nang pinatulog si Nik-Nik. She kept on yawning na kasi kaya I sang her a lullaby to sleep.

Pagbalik ko sa kwarto namin ni Jeff ay nakita kong nakahawak siya sa likuran niya na animo'y hinahagod ito. Nakaupo lamang ito sa kama.

"Masakit ba likod mo?" Nilapitan ko siya at niyakap siya mula sa likuran.

"H-hindi naman baby." Hindi raw pero ang mukha niya di' na maipinta.

"Gusto mo i-massage kita?"

He cleared his throat. "O-Oo, masakit talaga'ng likod ko eh."

"Sige, dumapa ka babe at i-mamassage kita." Agad itong sumunod sa sinabi ko. "Magpahinga ka kasi paminsan minsan."

"Asan yung masakit?"

"Dito." Tinuro niya ang batok niya. Minasahe ko ito.

"Baby, masakit buong likod. Upuan mo naman yung likod ko oh. Please." He sounded like he is in great pain.

Nag-alala ako kaya agad akong umupo sa likod niya.

"Baby, pambabae naman 'yang upo mo eh, walang effect. Masakit parin likod ko."

"H-ha? Ano pala dapat ang pagkakaupo ko?" I asked confuse. Ang gulo naman nito oh. Di' ko maintindihan.

"D-Dapat siguro yung panlalaki na upo. Ihiwalay mo ang dalawang legs mo, yung dalawang tuhod mo dapat siguro tumama sa kama. Gets mo? I-try mo daw baby, baka effective." Napansin ko na pinipigilan niya ang pagtawa niya.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon