Kabanata 9

8.6K 196 15
                                    

Kristina

          Pag gising ko sa umaga, nakaramdam parin ako ng matinding antok. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi.  Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni sir na gusto niya raw ako. Ayaw kong maging isang assuming na palaka kaya ginawa ko ang aking makakaya upang burahin ito sa isipan ko.

          May gusto na rin ako sa kanya kahit ilang beses ko itong i-deny sa sarili ko, hindi ko na kayang itanggi pa ito sa aking sarili.

          Pagkatapos kong magsipilyo ay agad akong lumabas ng aking kwarto upang maamoy ang sariwang hangin sa labas. Agad ko siyang nakita sa gilid ng dagat na may kausap sa cellphone niya. Mukhang wala pa nga ito sa mood at hindi maiguhit ang mukha nito habang nakikipag-usap.

          Nilapitan ko siya at hinintay na matapos siya sa kausap niya.

          "A-Okay lang po ba kayo sir?" Tanong ko.

          He took a deep breath saka niya ako kinausap. "No, I'm not fine honey." Kalmang sagot nito sa akin. "They just ruined our vacation."

          "Nag leave po ba kayo para pumunta rito? K-Kasi po diba kami lang ang may break kayo po wala."

          Lumapit ito sa akin at hinawakan ang aking pisngi. "Yes Kristina. I just want to spend some time with you at alam kong ito ang tamang oras para do'n."

          "Hindi po ito ang tamang oras, may trabaho pa po kayong iniwan doon dahil sa akin. Ayaw ko pong maging pabigat sa inyo. Pasensya na po at hindi ko ito naisip agad nang niyaya niyo ako." Nakayukong sagot ko sa kanya.

          He slowly lifted my chin and smiled at me. "No, it's not your fault. It's mine. Masyado lang siguro akong excited makasama ka."

Nagulat ako sa mga pinagsasabi niya. Masyado siyang straight to the point at wala akong ibang maisagot kundi katahimikan lamang. Talaga bang gusto niya ako? Napansin niya na naguguluhan ako kung ano ba talaga ang totoo sa nararamdaman niya para sa akin, nabasa niya siguro ito dahil sa ekspresyon ko sa mukha.

"Yes Kristina, I like you. I'm not lying when I told you last night that I like you..." Sandali siyang napatigil. "Ayaw kong magpaligoy ligoy pa sa nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ako humihingi ng kapalit, I just want you to be happy." He added in a low sweet voice.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sa sinabi niya. Gusto ko rin siya pero hindi sapat iyon para agad ko nalang siyang sagutin. Ayaw kong sayanging ang pagiging NBSB ko, No Boyfriend Since Birth kaya kailangan ay mag-isip ako ng mabuti sa mga sitwasyong katulad nito.

Ilang minuto rin akong hindi nakasagot, he just looked at me at naghintay sa aking sagot. I took a deep breath. "S-Salamat po."

He grinned. "My Kristina is such a baby." He said at ginulo ang buhok ko. "Halika na at kailangan na nating bumalik sa Maynila, ihahatid na kita sa inyo. May nangyari kasing hindi maganda sa business proposal namin with an important client. Pasensya ka na ha?" Dagdag niya pa while he was wrapping his other arm around my shoulder. Naglakad kaming muli pabalik sa aming tig-isang room upang maihanda na ang mga gamit pauwi.

Jeff

Ilang araw narin na hindi ko nakikita si Kristina, namimiss ko na ang luto niya. Patapos narin naman ang semestral break, makikita ko na naman siyang muli. Hindi parin mawala ang ngiti ko sa labi ng umamin siyang gusto niya rin ako.

I just can't believe it. Wala naman kasi akong napapansin na mga signs na gusto niya rin ako. Kung hindi ko siya tinanong hindi ko malalaman.

My mind came back to reality when I heard my phone rang. An unknown number flashed to my screen.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon