Kabanata 22

6.4K 148 6
                                    

Kristina

I thought he would bring me to a classy restaurant but I was wrong nasiyahan ako nang nakita kong dito kami tumigil sa tapat ng karenderya ni Aling Chona. Noong high school pa kami, di kami pinapayagang kumain sa mga ganitong klaseng mga kainan, sinabihan ko si En-En noon na gustong gusto kong mag try at ngayon dinala niya nga ako dito.

Before we got out of the car. I looked at him and smiled. "En-En, salamat ha?"

"Sabi ko na nga ba magugustuhan mo dito eh." He winked.

Lumabas na kami. I looked around. I feel very happy seeing this place again. Maraming taong kumakain, medyo maingay ngunit mas pipiliin ko paring kumain dito dahil sa wakas, makakakain narin ako rito sa kainan ni Aling Chona na matagal ko ng pinapangarap noong high school pa lamang kami.

"Aling Chona!" He waved his hands.

"Oh hijo! Enrick ikaw na ba yan? Abay ang laki mo na ah." Sinalubong kami ni Aling Chona ng napaka heartwarming na ngiti.

Inakbyan siya ni Enrick. "Aling Chona, naaalala niyo po ba yung babaeng kinukwento ko po sa inyo?"

"Ah oo, yung babaeng gustong gustong kumain dito sa karenderya ko?" She  replied.

"Opo. Ito po siya oh." Tinuro niya ako na nasa harapan nilang dalawa, nakangiti.

"Hello po." I wave my hand.

Nginitian niya ako at muling tumingin kay Enrick. "Kaya naman pala inlove na inlove ka dito sa girlfriend mo eh, ang ganda ganda pala."

Enrick scratched his forehead with an annoying smile plastered on his face. "Aling Chona, she's not my girlfriend."

"Ha? Eh, ka ano ano mo siya?" She cocked her eyebrows.

"Magkaibigan lang po kami ni Enrick. He's my childhood bestfriend." Ako nalang ang sumagot baka ano pang isagot ni Enrick eh. Mabuti na yung sigurado.

"Ah, oh siya! Hali na kayo at kumain na." Sabi nito at sinundan namin siya papasok sa kanyang karenderya.

"Libre po ba?" Enrick winked.

Nako, ito talagang si En-En. Kaya naman pala siguro dito niya ako dinala kasi magpapalibre lang pala kay Aling Chona. Close talaga sila kasi sabi ni En-En, gustong gusto niya raw si Aling Chona kasi naaalala niya raw sa kanya ang mommy nito.

"Oo naman, pa minsan minsan ka nalang ngang bumisita dito eh."

"Pasensya na po, next year na naman." Pabirong sabi ni Enrick. Kinurot ko siya sa tagiliran pero mahina lang. He looked at me and I gave him a stare.

"Hindi ka ba nahihiya kay Aling Chona?" I whispered to him.

He shook his head proudly. Aba eh, ang kapal nga!

"Oh ayan! Nilapag ko na lahat ng mga putahe ko diyan sa lamesa niyo. Kuha lang ng kuha." Sabi ni Aling Chona at halatang halata na excited siya na tikman namin yung luto niya. Nasa loob na kami. Pinaandar niya rin ang electric fan sa harap namin upang hindi raw kami pawisan. Nahihiya na talaga ako kay Aling Chona pero itong kasama ko, walang hiya eh. Sana naman di' ako mahawa sa kanya.

"Aling Chona, sobra naman ho ito. Sigurado po ba kayong libre itong lahat?" Nag-aalalang tanong ko.

"Nako hija! Okay lang, paminsan minsan lang naman." She tapped me on my shoulder.

"Huwag kayong mag-alala! Tutulungan kita Aling Chona para makabenta agad. Just like the old times. Ako ang magsisilbing tindero mo! Tingnan ko lang kung di'to maubos lahat ng paninda niyo!" Sabi ni Enrick nang makaupo na sa upuan. Kumuha ito ng ulam at kumain ng naka kamay lang. I did the same. Masarap kasing kumain ng naka kamay lalong lalo na kung grilled pork ang ulam.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon