Kabanata 39

5.3K 111 12
                                    

Kristina

I felt like crying infront of him. I mean, them. Hindi ko kilala ang babaeng kasama niya. She's very pretty at ang ganda pa ng suot niya. Naka halter dress ito habang ako naka pants lang. Para bang kung isasama kami, siguro masasabi nilang katulong lang niya ako.

Sa tono ng pananalita ni Jeff para bang ayaw niya na akong makita pa. Parang pinagtatabuyan niya na ako.

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. He just looked at me deep in the eyes. Napalunok ako dahil pilit kong pinipigilan ang pag-iyak. I even bit my tongue para masaktan ako at doon bumaling ang attensyon ko ngunit hindi naman ito tumalab.

Hindi ito ang inaasahan ko. I expected him to be happy. How foolish I am. Sa tingin ko ba, sa pagtulak ko sa kanya palayo magiging masaya pa siya muli sa pagkikita namin?

Sa tingin ko ba, hindi siya mag momove on sa nagawa ko sa kanya? HINDI! Napakamanhid ko. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ang rami ko pang dala na gamit, as if naman papatuluyin ako agad ni Jeff sa bahay niya.

"Babe?" Sabi ni Jeff.

"Jeff?" Halos sabay kaming sumagot ng babae sa tabi niya. Napahiya na naman ako. Siya pala ang kinakausap niya! I'm no longer his babe...and I should put that on my mind. That thought kills me though. Gusto ko nang humagulhol sa harapan nila ngunit ayoko. Kung kaya ko pang pigilan, pipigilan ko.

Jeff looked at me at muli niyang ibinaling ang attensyon sa babaeng katabi. "I just want to talk to her for a while. Pwede iwan mo muna kami, babe ha?" Jeff held his cheek habang kinakausap ito. Just like what he always does to me, but that was before.

Seeing them like that, kills me even more.

Tumango ito. "Okay, I'll be waiting in your office." Ngumiti ito kay Jeff at agad ng nagtungo sa labas. Lumingon ito sa akin bago lumabas ng tuluyan. She gave me a smile. Pinilit kong ngumiti. Imbis na magustuhan ko ang ugali niya mas lalo pa akong na insecure. I sighed.

Paano, ang bait bait niya, maganda pa. Naisip ko na parang mas deserving siya kay Jeff. I inhaled deeply.

Nang maisarado niya na ang pinto ay hindi kami agad nagkausap ni Jeff. There was silence. Napagdesisyunan ko na una nalang akong magsalita dahil ako rin naman ang pumunta rito para makita siya.

Lumapit ako sa kanya. "Pasensya ka na Jeff. Hindi ko kasi alam na may g-girlfriend ka na, eh." Nanginginig ang boses ko. "Nakakahiya naman sa kanya, dinala ko pa ang mga gamit ko." Patuloy nang tumulo ang luha sa mga mata ko. I just felt so helpless and I pity myself.

"Why are you even here, Kristina?" Tanong nito. Napakatigas ng ekspresyon nito sa mukha. Hindi siya tumitingin sa akin. Nakatingin ito sa bintana na nasa likuran ko.

Hindi niya pinahid ang mga luha ko sa pisngi. Not like before. Napapikit ako. "Jeff, alam kong nasaktan kita. But if you'll just let me explain, pl-" Hindi paman ako tapos sa pagsasalita ay inunahan niya na ako.

"I love Janine at hindi ko siya kayang saktan. I don't also want to hear any explanation from you anymore Tin." Kalmang sagot nito. I looked at him in the eyes at watery ito. Tiningnan niya ako at agad akong hinawakan sa magkabilang balikat. "Shit! Bakit ka pa bumalik? I've been trying so hard para makalimutan ka! Help me by not coming into my life again!" He shouted at me.

"Sorry Jeff." Tanging sagot ko.

Bumitaw siya at sinipa ang upuan sa tabi ko. "I did not give up on us dahil mahal na mahal kita Tin. Pero ikaw palagi ang lumalayo. Hindi mo ba naisip na ilang beses na kitang hinabol at sinundan kahit saan ka magpunta? But you kept on pushing me." Tumulo ang mga luha nito sa mga mata.

Napaupo siya sa isang upuan at hinilamos niya ang kanyang mukha. There was silence.

He inhaled deeply. Nakatayo lamang ako at tahimik na umiiyak.

"Miss na miss ka na ni Nik-Nik." Mahinang sabi nito.

Hindi ako agad nakasagot. I just felt the urge na gusto ko siyang makita. Gusto kong makita si Nik-Nik. "Miss ko narin siya kahit hindi ko na siya naaalala."

"Jeff, pasensya na talaga." Sabi ko habang lumalakad papunta sa maleta ko. Kinuha ko ito. Pinahid ko ang mga luha sa aking mga mata. "I'm very sorry for not being fair to you. Pero tandaan mo, mahal na mahal kita Jeff." Nanginig ang boses ko.

He didn't move. Hindi rin ito sumagot. Hinay hinay akong lumakad papunta sa pintuan palabas. There's no more reason for me to stay. Baka masira ko pa ang relasyon nila ni Janine. I didn't look at him. Malapit na sana ako sa pintuan ngunit agad niyang hinagip ang kamay ko at iniharap niya ako sa kanya. He pulled me closer to him and he kissed me passionately. He was crying while kissing me. I responded to his kisses.

I savored every second, dahil sobrang namiss ko ang halik niya. Sobrang namiss ko si Jeff. But the heat fade. Tumigil siya.

Inihilig niya ang noo niya sa noo ko while tears running down his cheeks. "Set me free, Kristina." Mahinang sabi nito. "Sobrang nahihirapan na ang puso at utak ko. Ang sakit na. Gabi gabi ka sa isip ko, hindi ako makatulog ng maayos." He added.

I nodded and I held his cheek. "I know. That's why I'm walking away from you. I'll miss you, but I guess I don't deserve your love, Jeff. You're too precious." Binigyan ko siya ng simpleng halik sa labi at tumalikod na ako sa kanya. I opened the door at iniwan ko na siya sa loob.
Paglabas ko, alam kong iyon na ang huling beses na mahahalikan, makakausap at makikita ko siya dahil lalayo na ako sa kanya.

I'm dying to see Nik-Nik but I guess, I was not a good mother to her, just like how worse I am as a wife to Jeff.

Jeff

Mas lalo akong humagulhol pag-alis niya. Muling bumukas ang pintuan. I felt a woman hugging me. I looked at her and I saw Janine.

"Jeff..." Umiiyak ito. "Jeff, tama na. Tutulungan kitang kalimutan siya. Huwag ka nang umiyak kasi naiiyak din ako pag nakikita kang ganyan." She held my cheeks.

"Janine, sorry." Sabi ko sa kanya.

She smiled at me. "It's okay. I know na hindi mo siya agad makakalimutan. I heard everything. Nasa labas ako ng pintuan nang mag-usap kayo. I expect you not to forget her easily pero mawawala rin ang sakit diyan sa puso mo. Maniwala ka lang."

Napatitig ako kay Janine and right from that very moment, I realized na ayaw ko talagang siyang masaktan. Natututunan ko narin siya mahalin. I know everything will be alright someday. I have Nik-Nik and Janine to help me through.

"Gustong makita ni Kristina si Nik-Nik. Why don't you let her stay the night?" Nakangiting sabi sa akin ni Janine.

Paano niya nasasabi ang lahat ng to? Kahit alam naman niya na may nararamdaman parin ako para kay Kristina, right? Napalunok ako.

Magiging masaya si Nik-Nik kung makikita niyang muli si Kristina, ngunit mas lalong masasaktan lang siya kung kinabukasan ay wala na ito sa tabi niya.

I held her cheeks and I shook my head. "I guess, having you as her mother is enough."

Janine is a very good person. My conscience will kill me kung masasaktan ko siya.

Kristina

Tumutulo parin ang luha sa mga mata ko habang iniisip ang nangyari sa amin ni Jeff. Sumakay ako sa elevator at mas humagulhol pa ako roon.

Paglabas ko sa elevator ay nagsitinginan sa akin ang mga nagtatrabaho roon. They are also talking about me but I didn't mind. My heart hurts a lot at ito ang mas binigyan ko ng pansin.

Hindi paman ako nakalabas sa kompanya, I felt dizzy, very dizzy. Nabitawan ko ang dala kong maleta at hinay hinay akong bumagsak sa aking kinatatayuan. I heard people's voices screaming for help. I can hear footsteps walking towards me. Mas lumabo pa ang paningin ko, hanggang tuluyan na ngang nawala ang aking paningin.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon