Kabanata 20

7.9K 172 5
                                    

Kristina

Nagulantang ako nang makita ko si Shanara sa venue. Mas nauna siya doon. Hindi ito dumalo sa kasal namin ni Jeff. Napalunok ako. I looked at Jeff na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

Shanara looked at me. I waved my hand at her. Lumapit ito sa akin. Jeff saw us at agad itong lumapit sa amin.

"Sha." Tawag nito sa kanya habang papalapit sa amin.

She smiled at him. "No, Jeff. Hindi ako nagpunta rito para sirain ang araw niyo. I just want to say something very important."

Kinabahan ako. Ganoon narin si Jeff.

"A-Ano yun?" I asked.

She took a deep breath. "Naaalala niyo pa ba ang pictures na pinakalat noon sa kompanya nang magkasama kayo sa isang vacation?"

Nagkatinginan kami ni Jeff. Tumango lamang ako while my eyebrows cocked.

"I'm sorry, ako ang may pakana n'on." Yumuko ito. "Jeff, I know you tried your best para malaman kung sino ang may gawa n'on pero wala talaga sa mga empleyado mo ang aamin dahil ako ang may gawa nun."

"What?!" Jeff exclaimed.

I took a deep breath. "Jeff, okay na yun. Matagal na naman yun eh." I smiled at him at tumingin muli kay Shanara.

"But darling..."

"Jeff, kasal natin ngayon. Let's forget all the heartaches."

He tried to smile and crossed his arms. "Yes ma'am."

He looked at Shanara na kanina pa nakayuko. "Okay na yun Sha. Thank you for confessing anyway." He tapped her on the shoulder.

"Thank you Jeff at Kristina. Thank you." Teary eyes ito.

I'm so thankful after all na inamin niya ang mga kasalanan niya. I wanted to be her friend also. May tinatago kasi itong kabaitan na kailangan lang ipalabas.

"Let's eat na." I said to her.

"Good morning Jeff! Gising na." Tawag ko sa kanya habang papunta sa aming kama. Kagagaling ko lamang sa kusina at naghanda ng aming agahan. "Mag aalas otso na oh, baka magkasakit ka ng ulcer niyan." Malambing na tugon ko at tinabihan siya.

"Baby? Alam mo ba na ikaw lang 'yong alarm clock ko sa umaga na hindi man lang ako naiirita?" Sagot niya habang nag-uunat pa sabay yakap.

"Nako, tumahimik ka puro ka pambobola diyan eh. Sige na, bumangon ka na at kumain." Hinalikan ko siya sa noo at akmang tatayo na ngunit nahagip niya agad ang aking braso then he pulled me closer to him.

"Don't you want to cuddle for a while?" He said with a grin.

"Nangangayayat ka na oh." Itinaas ko ang kanyang braso na animo'y ini-inspection ito. "Mamaya na. Kumain na muna tayo, okay?" Dagdag ko pa sabay hila sa kanya.

"Hindi ka pa pala kumain?" Napatayo siya agad at halatang nag-aalala ito.

"Hinintay kitang gumising kaso feeling ko parang hindi ka na magigising eh, nag-alala ako." I pouted my lips habang pinagmamasdan siyang sinusuot ang kanyang t-shirt.

Hinila niya ako agad papuntang kusina. Nakahanda na lahat, may ulam na may kanin at tubig. Agad niya akong kinunan ng kanin at ulam at inilagay ito sa aking plato.

"Baby? Okay ka lang?" I asked, halatang nagmamadali kasi ito.

"Babe, okay lang sa akin magkasakit ako ng ulcer. 'Wag lang ikaw. Kain na tayo." He brushed my hair and smiled.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon