Kabanata 13

8K 176 5
                                    

Kristina

"Tin? Pakibigay naman ito kay ma'am Liezel oh. Sabihin mo galing kay ma'am Rose." Utos sa akin ng aking kaklase na nag working student rin sa kompanya. "Ito kasing amo ko ang raming utos, hindi ako makaalis basta basta." Bulong niya sa akin.

"Okay lang, malapit na rin naman akong matapos sa ginagawa ko eh." Sagot ko at nginitian siya. Nagpasalamat ito at tuluyan ng lumabas.

Nasa second floor ang opisina ni ma'am Liezel, agad akong nagtungo doon. Kumatok ako sa kanyang pintuan saka pumasok. Nang binuksan ko na ang kanyang pintuan ay nakita kong may bisita pala ito kaya naman nagdalawang isip akong tumuloy. Ngunit mabait talaga si ma'am Liezel at tinanguan niya ako, na animo'y sinasabi sa akin na pwede akong tumuloy.

"Yes Ms. Lopez?" Nakangiting tanong niya sa akin nang makalapit ako sa lamesa niya.

"Good evening ma'am, pinapabigay po ni ma'am Rose." Sabi ko sabay abot ng folder.

"Thank you."

Paalis na sana ako ngunit bahagya akong napahinto nang marinig kong pinag-uusapan nila si sir, ay...Jeff pala. Napangiti ako. Kailangan ko naring sanayin ang sarili kong tawagin siya sa kanyang pangalan, kasi boyfriend ko na siya. That thought made me blush.

"Eh, diba, yung babaeng pumunta rito kahapon, sabi nila girlfriend daw yun ni sir at sabi rin nila yun daw ang papakasalan niya?" Sabi ng kausap ni ma'am.

"I don't know May, siguro. Maganda at matalino naman yun eh bagay sila. Isa pa, ama naman niya ang tumulong kay Jeff para mapalago itong kompanya."

Nagpatuloy ako sa paglakad palabas. Ngunit napanghinaan ako sa aking narinig. Kanina nang ipinagluluto ko si sir ng hapunan, masayang masaya kami. Kumain pa nga ako ulit kahit tapos na akong maghapunan pero kung gaano naman ako kasaya kanina ganoon din ako kalungkot ngayon.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I trust Jeff, siguro ay magpapaliwanag siya sa akin kung sino talaga si Shanara sa buhay niya. Sigurado akong hindi ako ipagpapalit ni Jeff sa kanya. Hindi naman niya ako liligawan eh kung mahal niya ang babaeng yun. I sighed. O baka naman...Pinaglalaruan niya lang ako. I shook my head. MAHAL AKO NI JEFF.

Jeff

"Sobrang tahimik nitong baby ko ah, ano'ng problema?" Paglalambing ko sa kanya habang nagdadrive.

Nakatingin lamang ito sa labas. She sighed.

"What's that for honey? Come on, tell me." Dagdag ko pa.

"J-Jeff, sino si Shanara?" Tumingin ito sa akin.

Napatigil ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Damn! I just stared at her at napagdesisyunang iparada ang kotse sa tabi ng kalsada.

"B-Babe, how did you know her?" Agad na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan niya nakilala si Shanara at kung paano.

She smiled at me. "Importante pa ba yun Jeff?" Her eyes watered.

"Babe, please..." Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi.

"Jeff, please..." Sagot niya. "Please, sabihin mo sa akin ang totoo. Sino siya?" Tinitigan niya ako sa aking mga mata.

I sighed. Umupo ako ng maayos at minasahe ang aking noo.

"Mahal kita babe." Tanging sagot ko sa kanya sapagka't hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Hindi 'yan ang gusto kong marinig." Simpleng sagot niya.

Tiningnan niya lamang ako at hinintay ang paliwanag ko. "S-Si Shanara, ama niya ang tumulong sa aking palaguin ang kompanya, ang kapalit nun ay papakasalan ko ang anak niya. I agreed before dahil bata pa ako nun. Pinagsisihan ko yun ngayon that I'm all grown up at nakilala kita." I looked at her.

Kidnapping My Wife (Old Version) - For MATURED Readers OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon