May mga salitang hindi ko masabi gamit ang bibig
Mga salitang sana'y nabanggit ko
Na ngayon ay hindi na rin marinig
Ilang letra man ang nilalaman
Mahaba o maikli ang pangungusap
Sayang lamang din kung mananatili lang sa isipanKaya ngayon, ang hindi masabi ng puso
Idadaan na lang sa tula
Mga salita na sana'y mabasa mo
Na sana ay madama ng iyong puso
Ito lang ang aking kaya, sana'y maintindihan at hindi magtampoHindi man masabi ng puso
Sana itong pagmamahal ay iyong madama
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoetryMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...