Iniwan na parang upos na sigarilyo
Wala nang mahithit kaya nagawa ito
Sipsip nang sipsip hanggang mag-iwan ng marka sa bagang naghihingalo
Noon ay pula at ngayon ay itim
Na nagdudulot ng sakit na nakakaimbalidoSino ba ang hindi maaadik sa kemikal at usok?
Darangin man at tumirik pa ang mata'y pilit pa rin isusuksok
Sa labing kulay tintang itim na hindi naman sa pusit ngunit tila nilalasong pilit
Sariling nais mabuhay ngunit namamatay kada hithitIbubuga, lalabas ang hangin mula sa bigbig na siya ring may dalang kamatayan sa iba
Malalanghap, diretso sa ilong at ngalangala't nanunuot pa
Iinit ang dibdib, sabay sabing "ang sarap mo"
Uulit pa ulit, daang beses kang hihigop na walang palya kada linggoHindi pa nakuntento at ang isang buwan ay naging isang taon
Minu-minuto kada segundo, para kang bangkay na hindi na makabangon
Ginugusto mo dahil maginhawa ang sabi mo nga
Gumagaan ang isip na puno ng ulap kada hithit sa dinurog na sanga papasok sa bungangaGanyan mo ako minamahal
Bisyo mo na ako't ayaw nang tigilan pa dahil ikaw ay hangal
Nadarang na sa dala kong sarap ayaw mo nang bumitaw
Hindi na ako tulad ng dati, masamang tupa na ako at kailangan nang sumigaw
Saklolo ang nanaisin para sa baga mong tunaw
Dulot ng maling pag-ibig ko sayo'y naging ligaw
Inubos kita ngunit nais mo pa rin matanaw
Tayong dalawa na ako ang lason sa buhay mo kaya't ikaw ngayon ay inutil at hindi makagalaw.
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PuisiMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...