Patawad

170 12 4
                                    

Isang salita pero bakit hirap na hirap kong bigkasin
Isang salita na hindi ko man lang maamin
Maamin sa sarili ko na ako ang mali pero ikaw pa rin ang sisisihin

Teka, bakit nga ba kita sinisisi?
Wala ka namang maling ginawa pero nakaturo pa rin ang daliri ko sa'yo
Daliri ko na nagbibilang ng hindi maganda pero ang totoo, wala naman talaga

Ang baliw ko, 'no? Pero alam mo kung ano ang mas nakakabaliw?
Nakakabaliw yung tanggapin mo ako kahit na hindi naman dapat
Tinanggap mo ako hindi lang isa, dalawa, tatlo higit pa sa apat

Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kang bumabalik
Pabalik-balik sa akin kahit masakit
Tinanong kita, ang sabi mo lang mahal mo ako, wala ng paano at bakit

Dito ko napatunayan na kapag mahal mo, kahit masaktan ng daang ulit, pipiliin at pipiliin pa rin  dahil bulag ang pag-ibig

Ang alam lang nito ay magmahal
Ang gusto lang niya ay mahalin
Pero kahit hindi man gawin
Basta nandiyan sa tabi, pwede na rin

Ganyan ka magmahal
Lahat ibibigay basta mauna mo lang ako
Hindi na iisipin ang sarili, huwag lang mapabayaan ang inaalagaan mo

Ganyan ka magmahal
Kahit mahirap, pipiliin mo pa ring manatili
Hindi ka naghahanap ng kapalit
Hindi rin namimilit

Ganyan ka magmahal
Sumasama sa daang madilim kahit nakapikit
pikit-matang tatahakin ang landas na hindi sigurado kasi minsan ang isip ko, magulo, nanggagago

Ganyan ka magmahal
Lahat ng pangako tinutupad mo
Walang nagbago, hindi ka lumiko
Kahit madalas ako ang naliligaw at nalilito

Ganyan ka magmahal
Sobra-sobra sa sarili, kaya madalas, naaabuso
Pero ang sabi mo, ayos lang
Pero para sa akin, hindi maayos 'yon
Kasi ako 'yung nang-abuso

Ngayon, ang salitang patawad, hindi mo na maririnig
Hindi na mauulit
Hindi na muling mangyayari
At alam ko, bago ko pa hilingin
Napatawad mo na ako

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon