Baha

9 1 0
                                    

Magkaharap, hindi alintana ang araw
Huni ng ibon sumasabay sa ating sayaw
Banayad na galaw at walang laktaw
Kamay mo ay hawak sa langit nating bughaw

Asul ito ngunit unti-unti ring dumidilim
Nagkatitigan, mga mata'y tila may mga lihim
Init ng araw ay nawala kasama ang hangin
Butil-buti ng tubig ang pumatak sa atin

Dahan-dahan kang bumitaw sa hawak kong madiin
Paatras ang hakbang, lumalayong damdamim
Pumatak ang luha, lumalabong paningin
Ngunit malinaw sa akin ang pagtangay sa iyo ng hangin

Ihip na naging buhawi, mala-delubyo
Wala akong makapitan, magkalayo na tayo
Sisigaw ngunit tinig ko'y hindi mo dinig
Pangalan mong sa puso ko'y pumipintig

Tubig ay tumataas, malulunod na ako
Ikaw ay nasa bangka, masasalba nang sigurado
Nilamon hanggang leeg, walang takas
Sa kamatayan kong hindi mo ako maliligtas

Sapagkat naroon ka sa kabilang ilog sumasagwan
Habang ako'y nalulunod at naiwan, walang laban
Kasama ng mga alaalang inanod at nilisan
Ako na mag-isa na sana tayong dalawa, walang hanggan

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon