Palasyong mababa ngunit hindi ako makababa
Kabi-kabilang tore, may harang at pumapana
Titingin sa lupa, maraming tinik at sanga
Kahoy ngunit bakal na harang sa aking paglayaBigay niya'y diyamante, ginto at korona
Tronong pilak, mga kayamanang hinukay sa lupa
Ginawa akong hari na walang imperyo
Ngunit madalas ay alipin sa gitna ng disyertoMarangya, bibihisan pa ng kumikinang na kapa
Yayakap at hahalik habang lihim akong lumuluha
Gustong tumalon sa palasyong bato
Tumakbo nang tumakbo kahit habol-hinga't hapoHindi hihinto kahit duguan ang ulo
Sa mga bala ng baril mo
Tatakas sa halimaw na nagkatawang tao
Mamatay man ay huwag lamang sa kamay mo
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoesieMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...