Casper

43 5 2
                                    

Isinilang ng araw ang liwanag at saya
Dumating ang hindi inaasahan na nagbigay ng tuwa
Pinto ay binuksan at doon ka nakita
Dala mong ligaya, lungkot ay naalis at nawala
Pait ng buong araw, pighati ng puso na pigang-piga
Kumapit sa bintana kahit sarado ay ayos na
Pumasok sa pinto sabay diresto sa pusong hanap ka
Sa iyong hawak, yakap at halik, ako ay payapa

Malayo pa man ay dinig ko na
Pagmamahal mong sumisigaw at kumakalinga
Tila pipi man ang iyong bibig na walang mga salita
Sa iyong mabilis na hakbang pa lang ay dama ko na
Labis-labis na emosyon sa iyong tingin
Kakalibitin, pipilitin, tila nagsasalaysay sa umaga ang iyong sigaw na nais dinggin
Iwan man na mag-isa o hindi rin pansinin
Ikaw ay nariyan at bumabalik pa rin

Lumipas ang mga buwan, dumating ang araw na ito
Hindi alam kung bakit, nasaan na ang nagmamahal ng totoo
Nagkamali at natabunan ng mga nakakatoreteng liriko
Nakalimutan na may isang nagmamahal na tulad mo
Nang hanapin ay hindi lubos akalain na malapit nang mapuno
Baso ng iyon buhay na hindi alam kung saan at paano
Paano maisasalba itong hawak kong buhay na hindi na kaya, nais na lamang sumuko

Hinagkan ka at sinubukang humiling sa langit
Hindi man sigurado ngunit umasa kahit mapait
Ngunit sa pag-uwi ay uuwi ka na rin pala na hirap at hindi man lang mabanggit
Paalam na hanggang tingin sabay hingang malalim at bitaw sa sakit

Casper, salamat sa maikling buhay mo na sa akin ay nagpasaya
Takbo ka nang malayo kung saan ka malaya
Payapa mula sa sakit na dala ng mundo na hindi mo dapat nadama
Pasensya na kung hanggang dito na lang at hindi na rin kinaya

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon