Salubong

34 5 0
                                    

Bagong dating, dayuhan sa inyong lugar
Wala akong nalalaman, hindi kabisado ang daanan
Naliligaw, kailangan pa ako'y kumapa upang makaandar
Baguhan pa lamang, ni hindi rito isinilang

Bagong dating, umapak sa inyong lupa
Unti-unti may natututuhan kahit pa paisa-isa
Sa paghakbang sa palikong kanto
Hindi namalayan na may kasalubong pala ako
Tumingila dahil ikaw ay mataas
Ako nga pala, galing sa malayo at utas

Bagong dating, iyon ang unang salubong
Hindi kita pansin dahil iba ang dagundong
Puso kong sa iba'y nakalaan, nakakulong
Tumingin man sa iba, kami pa rin ay magkadugtong
Lumipas pa ang mga araw at buwan na puno ng alulong
Nagsimulang makita ka, nakadama ng kaba sa dibdib at pag-ugong

Bagong dati, muli tayong naglandas
Tulad noong una'y titig lamang sabay lagpas
Napapaisip na ako, iba ang init at hangin na humahampas
Damang tuwa sa bawat sulyap ng iyong matang nangungusap, kumikislap
Nagagalak itong sa akin kapag nasisilayan mula itaas
Nais sumigaw at pagdaan mo'y ayaw ko nang lumipas
Sa malalaki mong hakbang mabilis kang makalagpas
Ako na lang ang hahabol habang kumakaripas

Bagong dating, ikaw pa rin ang laging kasalubong
Umaraw man o ulan ay bumagsak sa bubong
Puso ko'y nahilo, ayaw maging mandarambong
Naisin man kita ngunit sa akin ay may nakakandong
Bumuhos ang ulan at naglalakad na walang payong
Parehong basa, naghahanap ng init bukod pa sa pandong

Bagong dating, sinilip ka sa butas
Kumpirmado, sigurado, puso ko ay umalpas
Nananabik sa iyong paglapit
Hindi makatindig nang tuwid, gusto sa iyo'y kumapit
Wala pang pag-uusap ngunit huli mo na ako
Bawat salubong natin, ako'y nadudulas at sana nga'y ikaw ang sumalo
Ngunit ang isip ko ay huminto
Mali pala ang puso dahil may iniibig na ito
Higit pa sa pantasya ang sigaw ko
Marinig mo sana ang itong tinig ng puso
Mahina man at malabo
Iisa lamang ang tinutumbok ko
Ayaw man ng panahon, magsasalubong pa rin tayo
Hindi man dinggin ang dasal, nanaisin pa rin hanggang dulo

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon