Mag-isang naglalayag sa karagatan
Dala ang lamparang iyong iniwan
Sa papag na yari sa kawayan
Na sa gabi'y lumalangitngit at dumuduyan
Kapag tayo'y magkatabi sa yaong higaan
Anong ligaya itong nararamdaman
Hahawak ka sa aking braso at katawan
At ako nama'y haharap upang ika'y mahagkan
Init ng iyong hininga sa aking tenga'y nagpapakiliti
Nagpapayanig din ng buong kalamnan ang iyong pagdampi
Sa aking balat na iyong ginagawang tahanan
Parang batang ako'y iyong pinaglalaruan
Ngunit sa bawat gabi ako rin ay lumilisan
Upang pumalaot sa malawak na karagatan
Tila ba walang pangamba itong puso
'Pagkat dala ko ang iyong mga pangako
Pero sa paglalim ng gabi
Ako rin ay natatakot sa paglalayag
Lamig ng hangin ay nagpapatuyo ng aking labi
Napupunit na ito, masakit at mahapdi
Ngunit hindi lang ang lamig ang aking kalaban
Kundi ang malawak na dagat na aking dinadaanan
Dumungaw ako at nakita ang alon
Malakas ito't kaya akong ibaon
Ramdam ko ang malakas ng hambalos ng tubig
Sa bangkang kahoy sa magkabila nitong gilid
Ngunit ako'y kumakapit ng mahigpit
Upang hindi malaglag at maipit
Maipit sa naglalakihang alon ng karagatan
Tila ba ang mga ito'y walang hangganan
Ako'y napayuko dahil sa aking takot
Mabilis ang tibok ng aking puso at ito'y kumikislot
Ilang sandali pa'y bumuhos ang isang ulan
Dala ng bagyo na galling sa silangan
Utak ko'y tuluyan nang naguluhan
At itong lampara mong pabaon ay gusto kong sindihanNasa isip ko rin nama'y makakarating
Sa isla kung saan ako'y mapapanatag
Ngunit tila ayaw ito ng tadhana
Na ako ay bigyan na ng layaNapapikit ako at nanalangin
Na sa sana ako ay makarating
Buo ang katawan pati na rin ang damdamin
Upang muling humarap sa basag na salaminSalaman na magpapakita sa akin ng katotohanan
Na ako ay ligtas sa masalimuot na landas at pinagdaanan
Habang naglalakbay at ika'y naiwan
Dahil sa magkaiba ang ating tinutuluyanSa huli, itong takot ko'y narito pa rin
Na baka sa aking pagbabalik ikaw ay lumisan na rin
Sa dati nating kubol na ating binuo't pinaghirapan
Na baka sa aking pag-uwi, ako'y mag-isa na lamang
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoetryMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...