Hindi Ako Nawawala

9 0 0
                                    

Hindi ako nawawala
Hindi lang ako makapaniwala
Na hindi ko nasundan ang daan
Na nais ng batang ako na puntahan

Hindi ako makapaniwala
Na ang inakalang hagdan ay taas-baba
At hindi tuwid, payak na paakyat

Hindi ko lang nasundan dahil marami
Palang liko, mabato at matarik na bangin
Na hindi ko nanaising mahulog
Mamatay at maging abo sa hangin

Ngunit nahulog na ang ako ngayon
Nakatingala sa kaluluwang bata
Walang magawa kundi lumuha
Pagmasdan ang namamatay na ako
Nakatungo at naghihingalo habang nakaipit ang ulo

Ngunit uulitin ko
Hindi ako nawawala
Matagal na ang panahong yumao
Ang nais ng puso ko na walang sumalba
Ngunit ako at ako

Hindi ako nawawala
Dahil ilang taon nang ligaw
Ubos ang hininga sa mga sigaw
Na kahit umalingawngaw
Wala na rin ang tinig na inagaw

Matagal na akong wala
Hindi mahanap, matagpuan
Kinitil at patay ang masiglang tala
Aawitan na lang ng paalam sa huling hantungan

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon