Makakapili Tayo

8 0 0
                                    

Kung pipili ako
Nais kong sundin ang hindi gusto ng tadhana
Hindi ako makikinig sa kahit ano
Sa bagay na hindi ko plano
Sa taas na bumubulong sa isip ko

Kung papipiliin ako
Hindi ko nanaiisin ang sinasabi nilang masaya
'Di baleng masaktan, mahirapan pansamantala
'Wag lang mamatay sa delusyunal na ligaya

Iisa lang naman ang ating gusto
Ang makapili
At piliin nang paulit-ulit
Na hindi pilit at mapait

Pero ngayon, magtitiis muna tayo
Hindi maramot ang mundo
Ibibigay niya ang kailangan ng puso mo
Hindi man ngayon
Pangako ay makakapili tayo

Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon