Natulog akong ikaw ang aking kayakap
Sa piling mo ay tila ba isang panaginip sa alapaap
Bawat dampi ng kamay ay marahan kong nilalasap
Daliri mo'y nakakadarang may dalang sarapNagising akong ikaw ang aking katabi
Humalik ako't humawak nang walang pasabi
Tumango ka lamang at idiniin ang iyong labi
Dama ko ang indayog na sa umaga ay tila naging gabiNatulog muli ako at ikaw ulit ay nariyan
Tila ahas na sa mga sanga ay gumagapang
Sa'yong pag-ibig mong nakamamatay ay ayos lamang
Ito naman ang nais ng puso kong naghahanap ng tahananUmaga na't nagising at ikaw pa rin ang kasama
Hindi na mabilang ang mga araw na walang iba ngunit tayong dalawa
Iba man ang mundo ngunit sa akin ay walang pagsasawa
Sabay tayong nagsayaw na walang tigil kahit iyon ay nagawa
Ito ang ating nais, bulong ng kaluluwaKung ang mga araw ay sadyang matagal
Ang gabi sa atin ay ginawa nating mabagal
Sila na maraming pikit at hindi makasinghal
Tayo ay mulat dinadama ang ulos ng pagmamahalNgunit sabi ko nga'y mahaba ang araw
Lahat ng may simula ay nagtatapos sa huling dalaw
Sa huling yakap mo naiwan akong hindi makagalaw
Ako pala ay pangalawa lamang, umaasa sa pag-ibig mong sa aki'y maging tanglaw
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoezjaMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...