Pwede bang magtanong?
Kung mamaraparatin, sana'y makinig ka
Huwag kang mag-alala, ako ay bubulong
Hindi ako sisigaw dahil ayaw mong makitaNa may ugnayan tayong dalawa
Sandali, mayroon nga ba?
O ako lang ang may alam sa ating nauna?
Unang pagtatagpo patago sa eskinitaMakitid na daan ngunit tila paliparan
Sa mga umaalingawngaw na guni-guni
Hiwaga sa aking isipan
Pilit itong binubura ng halik sa labi, tama naPwede bang magtanong?
Kahit hindi mo sagutin
Dahil gano'n pa rin
Makikinig ka lamang kahit ulit-ulitinPaulit-ulit mong pinaramdam ang langit
Na sa akin ay yumayakap, bisig mong mainit
Kahit ito ay kathang-isip lamang ngunit marikit
Ang iyong titig sa tuwing walang makakakita, tayo'y magkadikitPwede bang magtanong?
Sa tuwing maglalapit tayo
Lilingon ka upang sigurado
Na hindi nila mapapansin ang paghawak moSa aking kamay na nanginginig, pasmado
Tubig na umaagos mula sa mata ko
Na dulot ng pag-ibig mong misteryo
At ako'y nananalangin sa itaas para sa isang mirakuloNa sana ang lahat ay magkatotoo
Matupad, pangarap kong puso mo
Ngunit ang lahat ng halik, yakap mo sa akin
Dala lamang ng imahinasyon, kayang manipulahinTulad ng pagkontrol mo sa isip ko
Isa kang mahikero at ito ang ipinamukha mo
Na hindi totoo ang bawat mahika sa pekeng kastilyo
At isa akong tunay na hangal, naniwala't nautoPwede bang magtanong?
Kung muli bang pagtatagpuin ay hindi na itatanggi?
Sa aklat ng ating kasaysayan, pag-ibig ay nakatatak
Selyo ng kasulatan ng iyong pangako ang tangan sa dibdib ay nakatarak
BINABASA MO ANG
Mga Hindi Masabi Ng Puso (Poem Collection)
PoesíaMadalas, may mga salitang hindi masabi ng bibig hanggang sa hindi na ito maiparating. May mga pangungusap na hindi maiusal ng bibig kaya't habang buhay na lang nakakubli sa puso't damdamin. Marahil, kaya hindi mo ito maamin at masabi ay dahil sa hiy...